ni Ronnie Carrasco
MUKHANG nagkamali yata ng event na pupuntahan ang isang aktres. Supposedly, isang pagtitipon ‘yon where beauties across the land had converged. In fairness, super ganda naman ang aktres who served her “purpose” with her sorry, not-so-stunning presence.
Mukha lang kasing mamahalin ang kanyang isinuot na gown, sadly, she failed to carry it well in stark contrast sa mga kababaihang nasa event na ‘yon, na kahit mga yarda-yarda lang ng tela ang ipinasuot—viola!—mukha nang evening gown.
Eh, si aktres, kapansin-pansing parang nilamukos lang ang buhok na alanganing nakapusod! All along, she struck us as a beautiful laundry woman na maglalaba sa Red Sea, just like her gown’s color!
Aling Maria, marami po ba kayong labada?