Wednesday , December 25 2024

Ihiwalay na ang itim sa puti

00 pulis joeylisKAHAPON, banner ng lahat media outlets ang sinabi ni Pangulong Noynoy Aquino (PNoy) patungkol kay Vice President Jojo Binay na kung hindi kontento sa diskarte ng administrasyon ay malaya siyang umalis o mag-resign bilang cabinet officials.

Halata sa mga sinabi ni PNoy na naiirita na sa mga patutsada ni VP Binay tungkol sa pagpakulong kay ex-President GMA na wala naman daw ebidensya, pamamahagi ng ilegal na DAP (Disbursement Acceleration Program) at pagi-ging selective sa pag-iimbestiga sa mga katiwaliang kinasasangkutan ng mga kaalyado at oposisyon.

Oo nga naman. Bilang miyembro ng Gabinete, kung hindi ka na natutuwa sa ginagawa ng amo mo, aba’y mag-resign ka na lang.

Kasi kung hihintayin mong sisibakin ka ni PNoy sa puwesto, malabo ‘yun. Dahil hindi raw ugali ng Pangulo na magtanggal ng tao. Kapag galit daw sa ‘yo, hindi ka na niya papansinin.

Sa nakaraang performance meeting ng ca-binet officials, tanging si VP Binay ang hindi su-mipot. Hindi lang natin alam kung inabisohan siya sa naturang miting o hindi.

Anyway, dapat na talagang ihayag ni VP Binay ang pagtiwalag kay PNoy. Unang-una, hindi sila magkaalyado at tiyak na ang iendorso ni PNoy na papalit sa kanya ay kanyang kapartido sa Liberal, posible si Mar Roxas na kasaluku-yang DILG Secretary.

Si VP Binay ay nagmula sa partidong Uni-ted Nationalist Alliance (UNA) kasama si ousted President at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada. Sila ang tandem noong 2010 election.

Pero ilang buwan bago ang presidential election ay pumutok ang “NoyBi” (Noynoy-Binay) na gumiba sa tandem na Noynoy-Roxas at Villar-Legarda.

Parang ito ngayon ang nagdurugtong sa relasyong politikal nina PNoy at VP Binay at ang utang na loob na rin ni Binay sa mommy ni PNoy na si yumaong ex-President Cory na nagluklok kay Binay bilang acting Mayor ng Makati City noong 1986 na simula noon ay hindi na binitiwan ng kanyang pamilya.

Sa nangyayari ngayon na tila nagpaplastikan na lang sina PNoy at Binay, makabubuting magpakalalaki na si “Rambotito.”

Panahon na para ihiwalay ang itim sa puti dahil 18 months na lang ay presidential election na…

6 sundalo na naman ang napatay kabilang ang batam-batang opisyal

Sir Joey Venancio, anim na naman po sa mga kapatid ko sa serbisyo ang maagang binawian ng buhay sa pakikipaglaban sa tero-ristang Abu Sayyaf noon lamang Linggo.

Bilang isang sundalo, masakit po para sa amin na mawalan isa man sa tropa higit pa po sa aming pamilya. Hindi lang naman ang pagiging sundalo ang usapin dito kundi ang pagiging isang tatay, kapatid at anak sa pamilya na aming maiiwan. Wala pong kapantay ang sakit na mawalan ng mahal sa buhay. Ang propesyon po na aming pinili ay madalas nababahiran pa ng politika o panlilibak mula sa mga taong hindi alam ang sakripisyo ng pagiging isang sundalo. Hindi simbolo ng kapangyarihan ang suot naming uniporme kundi simbolo ng isang tunay na Pilipino na handang ialay ang buhay para sa bayan na walang hinihingi na kapalit.

Isa po ako sa mapalad na nakauwi pa ng buhay sa aking pamilya mula sa pagkaka-deploy sa Mindanao tatlong buwan palang ang nakararaan. Kami po ay naghahangad ng tunay na kapayapaan, na sana wala nang mga rebeldeng grupo o tulisan na magnanakaw ng kinabukasan ng kabataan o umagaw ng buhay ng kapwa Pilipino.

Nawa’y magsilbi po nating inspirasyon ang mga sundalong naglilingkod sa ating bayan at maisama ang aming kaligtasan sa inyong mga panalangin.

– Cpl Allan Balitan PN (M), Norzagaray, Bulacan

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *