Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-senator isinugod sa hospital (SUV nabangga ng truck)

110514 heherson alvarezBACOLOD CITY – Isinugod sa ospital si dating DENR secretary at dating Senador Heherson Alvarez makaraan mabangga ng truck ang sinasakyan niyang Montero Sport sa Brgy. Pandanon Silos, Murcia, Negros Occidental.

Galing sa isang climate change conference sa lungsod ng Talisay si Alvarez at patungong lungsod ng San Carlos upang matingnan ang solar field sa isang solar power plant sa nasabing lungsod nang mangyari ang insidente.

Nataong dumaan sa lugar si Vice-Governor Eugenio Jose Lacson mula sa lungsod ng San Carlos at nakita ang insidente kaya pinara ng kasama ng dating opisyal ang sasakyan ng vice governor upang humingi ng tulong.

Ayon kay Lacson wala siyang nakitang malaking sugat kay Alvarez ngunit pinaniniwalaang nagkaroon ng internal bleeding.

Ligtas na rin sa panganib ang kasamang staff ni Alvarez at isang personnel ng Bacolod City Environment and Natural Resources Office (CENRO).

Samantala, wasak ang sasakyan ng dating mambabatas dahil sa impact ng pagkakabangga ng truck dito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …