Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pure Love hanggang Nov. 14 na lang

 

070114 pure love

00 fact sheet reggeeIMPORTANSIYA ng pagmamahal ng pamilya at mga tunay na kaibigan ang patutunayan ng mga karakter nina Alex Gonzaga, Yen Santos, Joseph Marco, at Arjo Atayde sa nalalabing mga tagpo ng top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Pure Love na magtatapos na sa Nobyembre 14 (Biyernes).

Sa huling dalawang linggo ng serye, mas masusubok ang katatagan ni Diane (Alex) ngayong malapit nang maubos ang panahon na ibinigay sa kanya ni Scheduler (Matt Evans) para makuha ang kinakailangan niyang huling “pure love tear” upang muling mabuhay matapos ma-comatose.

Ipaglalaban pa rin ba ni Diane na makabalik sa kanyang pamilya, o tuluyan na siyang susuko? Paano kung malaman niya ang mas malalim na ugnayan nila ng sinasaniban niya na si Ysabel (Yen)?

Halaw sa hit 2011 Korean TV series na 49 Days, ang local adaptation na tinawag na Pure Love ay sumesentro gabi-gabi sa kahalagahan ng tunay na pagmamahal at ang katatagan ng relasyon ng pamilyang Filipino.

Patuloy na tuklasin ang tunay na halaga ng pagmamahal at pamilya sa huling dalawang linggo ng Pure Love, gabi-gabi bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa ABS-CBN.com, sundan ang @PureLovePH sa Twitter, at i-”like” ang official Facebook page ng show sa Facebook.com/purelovetheofficial.

 

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …