Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

SLSU student todas sa hazing (4 sa 11 suspek tukoy na)

110414 SLSUKILALA na ng pulisya ang apat sa 11 miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity na mga suspek sa pagkamatay ng dating estudyante ng Southern Luzon State University (SLSU) dahil sa hazing.

Ayon sa pulisya, bago bawian ng buhay ang 24-anyos na si Ariel Inopre sa Bicol Medical Center sa Naga City nitong Linggo ng madaling araw ay nagawa niyang ipagtapat sa mga magulang na sumailalim siya sa hazing sa nasabing samahan sa Brgy. Mapulot sa Tagkawayan, Quezon.

Ayon kay Sr. Insp. Reynaldo Reyes, hindi pa nila papangalanan ang mga suspek ngunit tiniyak na sasampahan ng kaso ang mga responsableng miyembro at opisyal ng fraternity sa pagkamatay ni Inopre bago ilibing ang biktima sa Sabado.

Napag-alaman, Oktubre 17 nang sumailalim si Inopre sa hazing ngunit Oktubre 19 nang mahalata ng kanyang mga magulang ang inakalang pigsa sa kanang hita ng biktima.

Dinala siya sa ospital dahil lumala ang pakiramdam ngunit binawian ng buhay dahil sa kidney failure at impeksyon.

Beth Julian

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …