Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gloria humirit ng 9-day house arrest (Para sa burol ng apo)

110414 CGMAHINILING ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na pansamantalang makalabas ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) para makadalaw sa burol at makadalo sa libing ng apo.

Nitong Linggo ng umaga ay pumanaw habang nasa Philippine Heart Center ang 1-taon gulang na apo ni Arroyo sa anak na si Luli.

Sa inihaing mosyon ni Laurence Hector Arroyo, abogado ng dating pangulo, hiniling ng akusado sa Sandiganbayan First Division na siyam araw siyang ma-house arrest sa kanyang tahanan sa La Vista, Quezon City simula Nobyembre 3 hanggang Nobyembre 12, at araw-araw na makadalo sa burol ng apo sa Forbes Park sa Makati City, gayon din pati sa libing.

Nakasaad sa mosyon na hindi flight risk si CGMA at wala siyang planong tumakas.

Dakong 8:30 ngayong umaga itinakda ang pagdinig ng korte sa hirit ng dating pangulo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …