Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-anak tinambangan (Mag-asawa patay, 2 anak sugatan)

101814 dead sexRIZAL – Patay ang mag-asawa habang malubhang nasugatan ang dalawa nilang anak makaraan pagbabarilin ng apat lalaking lulan ng dalawang motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Rodriguez, Rizal.

Kinilala ni Rizal PNP director, Sr. Supt. Bernabe Balba ang mga namatay na sina Nelson Go, 56, at Ruby, 52, residente ng Blk. 7, Lot 10, Phase 2C2, Metro Manila Hills Subdivision, Brgy. San Jose ng nasabing bayan.

Habang nilalapatan ng lunas sa Marikina Valley Hospital ang kanilang dalawang anak na sina Stephen Go, 13, at Nelson Robin Go, 21-anyos.

Sa ulat ng mga awtoridad, dakong 12:30 a.m. nang maganap ang insidente sa Mariano Extn., Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Sakay ng pulang Toyota Tamaraw FX (NFN-248) ang mga biktima nang harangin ng dalawang motorsiklo at sila pinagbabaril.

Nagsasagawa nang masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang mabatid ang motibo at kung sino ang mga suspek sa krimen.

Mikko Baylon/Ed Moreno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …