NILINAW ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na walang kinalaman sa kalusugan ang pagliban o vacation leave ni Health Sec. Enrique Ona.
Taliwas ito sa inihayag ni Ona na ang dahilan ng kanyang leave of absence ay para magpagaling.
Sinabi ni Pangulong Aquino, may mga tanong sila kay Ona partikular sa vaccination campaign at iba pang isyung hindi niya masagot.
Ayon kay Pangulong Aquino, magkasalungat sila ng posisyon ni Ona kaugnay sa balanse ng prevention at panggagamot ng sakit partikular sa Ebola virus.
Hindi rin aniya masagot ni Ona ang kanyang tanong kung magpapatuloy sa pagtatrabaho bilang health secretary kaya humingi muna ng leave upang makompleto ang kasagutan.
Bukod dito, may isyu rin tungkol sa sinasabing kwestiyonableng pagbili ng mga sasakyan at gamit sa DoH, at pagbibigay prayoridad sa stem cell program imbes tinutukan ang ibang sakit o banta sa kalusugan ng mga Filipino.
Rose Novenario