Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ulo at ari ng bangkay hinahanap (Para makilala ang biktima)

110414_FRONTCEBU CITY – Pahirapan ang paghahanap sa pugot na ulo at pinutol na ari ng biktimang itinapon sa liblib na lugar sa Brgy. Biga, lungsod ng Cebu.

Ayon kay Supt. Ricky Delilis ng Toldedo City Police Station, nanatiling blanko ang imbestigasyon kaugnay sa nangyaring pagpatay at pagdispatsa sa bangkay ng biktima.

Sinabi ni Delilis, walang saksi sa krimen at wala pa rin kumukuha sa bangkay na walang ulo at walang ari na nakalagak ngayon sa punerarya.

Inihayag ng mga awtoridad, importanteng matunton ang pugot na ulo ng biktima upang makilala.

Sa ngayon, tanging marka mula sa biktima ang cobrang tattoo sa dibdib.

May teorya ang pulis-ya na posibleng love triangle ang motibo sa pagpaslang dahil malubhang pinutol ang ari at pinugutan ng ulo.

Kamakalawa ng uma-ga nang matagpuan ng isang ginang ang bang-kay na walang ulo at walang ari sa isang sulok habang papunta siya sa dam para manghuli ng isda.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …