Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magkano kaya ang naging settlement nina Derek at Mary Christine?

ni Ed de Leon

110314 Derek Ramsay Mary Christine Jolly

IYON pa mismong judge na sumubaybay sa kaso nina Derek Ramsay at ng babaeng kanyang pinakasalan ang siyang nag-post sa social media na “settled” na ang kaso ng dalawa. Nagkasundo silang iuurong ang lahat ng demanda laban sa isa’t isa alang-alang sa kanilang anak at hindi man sinabi kung magkano ay maliwanag na “nagkabayaran”. Kasi ang sabi nga “kung magkano ang settlement, si Derek na lang ang tanungin ninyo”.

Maliwanag na hindi naman ito ang unang settlement na nangyari rin sa korte. Kasi lumabas na rin na dalawang taon lang ang nakararaan, nagkaroon din sila ng settlement na binayaran ni Derek ang babae ng P5-M, at nagkasundo silang wala na silang pakialaman. Pero after two years, naisip nga ng babae na kulang ang P5-M kaya sinampahan niya ng demanda si Derek at humihingi siya ng 45-M.

May malaking kaibahan naman ang nangyari two years ago at ngayon. Noon kasi tahimik na pinag-usapan iyan sa husgado, dahil siguro nga itinatago ni Derek ang mga bagay na iyan na inakala niyang makasisira sa kanyang career, lalo na nga’t noon ay papataas pa lamang ang kanyang career. Ngayon lahat na ng maaaring makasira sa kanya ay nailabas na, idinemanda pa pati ang kanyang dating girlfriend na si Angelica Panganiban na syota na ngayon ni John Lloyd Cruz. May nagsasabing posibleng ang pagkakadamay ni Angelica sa demandahan ang siyang naging mitsa para makipag-settle na ulit si Derek na noong una ay ayaw na sa isang settlement.

Ewan kung ibinigay na lahat ni Derek ang hinihinging P45-M ng babae. Siguro naman nagkatawaran dahil hindi rin naman realistic ang ganoon kalaki. Natural lang sa isang nagdedemanda na humingi ng malaki para mas malaki rin ang igawad ng korte. Kung maliit lang kasi ang hihingin niya eh tatawaran pa rin naman iyon eh.

Pero ewan kung anong safety nets naman ang napag-usapan nila para masiguro na ang ganyang kaguluhan ay hindi na mauulit pagkatapos ng kanilang settlement ngayon. Kasi kung mas sumikat pa si Derek, maaaring isipin ng babae na dapat mas malaki pa ang parte ng kanyang anak sa kikitain noon at natural magdedemanda na naman iyan. Iyan namang mga ganyang kaso, nauuwi lang sa settlement talaga, ang kuwestiyon kung magkano nga inaabot ang settlement.

Tiyak na ang masaya riyan ay ang mga abogado. Malaki ang kita sa ganyan, kaunti lang ang pagod.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …