Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matteo, nakakasabay na sa pang-aalaska nina Luis at Billy

ni Ambet Nabus

103114 matteo Luis Billy

NAPAKAGUWAPO ni Matteo Guidicelli nang muli itong humarap sa amin sa presscon ngMoron 5.2 The Transformation na ipapalabas na on November 5.

Halatang gamay na gamay na niya ang pang-aalaska ng mga itinuturing niyang kuya na sina Luis Manzano at Billy Crawford. In fact sinasabayan pa niya ang mga ito sa pagju-joke at pagsakay sa mga biro.

Very consistent si Matteo sa mga sagot niya tungkol sa isyung diyeta siya sa ‘sex’ at hindi naman daw niya maiiwasang hindi sagutin ang mga tanong kahit pa nga sa panlasa ng iba ay wala naman ‘yung koneksiyon sa movie. ”I’m being true and honest. I’m being asked po at sasagot po ako sa paraang kaya ko kahit pa nga hindi ‘yun ang mga komportableng isyu para sa akin. Nagkatuksuhan, nagkantiyawahan, at nagka-alaskahan po kaya nakisama lang ako. No bad intention or meaning po,” paliwanag ni Matteo.

“Kaya naman lalo namin siyang itinuturing na bunsong kapatid. He is one of us,” sey pa ng komikero at kakambal na yata ng kalokohang si Luis, ang ampon naming hindi pumapalya na kami’y pahalakhakin ng wagas.

Sabi ko nga Mareng Maricris na kung ‘yung solid naming tawa ang siya ring mararanasan namin sa panunood ng Moron 5.2, tiyak naming kuwelang-kuwela nga ang movie nila nina direk Wenn Deramas na bida rin sina Marvin Agustin, DJ Durano, at John Lapus.

Kaya naman sa naging pakiusap ni direk Wenn na iwasang i-hype ang isyu ng sex life at sizes ng mga male actor niya, feel naming pagbigyan siya hahahaha! Lalo na roon sa usaping humingi rin siya ng dispensa at patawad sa pagkaka-drag ng names ng mga GF nina Luis et al, na biktima rin ng bashing sa social media.

“’Yung movie na lang po, huwag na ‘yung hindi kasali sa movie,” sey ni direk!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …