Wednesday , December 25 2024

Grand prix sa skyway tuwing linggo (ATTN: PNP-HPG at MMDA)

WALA tayong kamalay-malay, ang SKYWAY pala ngayon ay lunsaran na ng ‘GRAND PRIX’ ng mga kareristang mayayaman.

Mantakin ninyo, alas-diyes ng umaga ‘e mayroong nagkakarerahan sa Skyway mula Alabang to Manila?!

Hindi umano kukulangin sa 20 sports car ang humarurot sa SKYWAY sa bilis na 250/kph.

Sonabagan!!!

Nakalulula ang gara ng mga racing cars gaya ng Porsche, Lamborghini, Benz, BMW, Ferrari.

Lahat pawang 2-door sports car.

Buti sana kung sila-sila lang ang malalasog kapag nagkaroon ng aksidente ‘e paano ‘yung maidadamay ng mga karerista na ‘yan?!

Ang higit na ipinagtataka natin, bakit nakalulusot ang over speeding at karerahan na ‘yan sa SKYWAY gayong mayroon namang CCTV camera d’yan?!

May ‘timbre’  ba ‘yan sa skyway traffic enforcer!?

Aba, PNP-Highway Patrol Group chief, Chief Supt. Arrazad Subong, pabantayan mo nga sa mga tauhan mo ang area na ‘yan!

P20 ‘toll fee’ ng Barangay Tumbaga, Sariaya Quezon sa mga motorista saan napupunta?!

HUMINGI ng paumanhin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga magbibiyahe sa mga susunod na araw patungo sa himlayan ng mga kaanak nilang pumanaw na sa Sariaya at Candelaria Quezon.

Isinailalaim kasi sa retrofitting construction ang Quianuang Bridge at road widening sa bungad ng nasabing tulay sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Sariaya pero hanggang ngayon ay hindi pa natatapos.

Napakaikling tulay lang po niyan.

Ngayon para lumuwag ang trapiko gumawa ng alternatibong daan ang DPWH at ang iba pang apektadong lugar.

Ayon kina Quezon 2 DPWH District Engineer Nestor Cleofas at 2nd District Rep. Vicente “Kulit” Alcala sa Enero 11, 2015 pa matatapos ang nasabing konstruksiyon kaya magtiis-tiis muna ang mga motorista at commuters.

Mayroon umano silang itinakdang alternative route gaya sa Sampaloc 2-Tumabaga 1 detour road (malapit First Ridge) at sa Sampaloc I – Mamala 2 detour road.

Anila, dahil dito ay gumaan ang traffic congestion habang kinukumpuni ang Quianuang Bridge.

Ang tulay na ito ay gateway patungong Quezon hanggang Bicol Region.

Ito ngayon ang siste, dahil sa Barangay Tumbaga dumaraan, iniutos umano ni Barangay Chairman RAMON BASCOGIN na magtakda ng ‘toll fee’ sa halagang P20 (bente pesos) bawat sasakyan tuwing sila ay daraan.

Kapalit ng ibinabayad ng mga motorista ang isang ‘tiket’ o resibo ng palengke.

Sabihin na nating sa maghapon ay mayroong dumaan na 500 sasakyan ‘e magkano sa P20 ‘yun? Malinaw na P10,000 ‘yun.

Maliit na pera?! Parang P300,000 lang isang buwan ‘di ba?! Maliit pa rin ba?!

Pero tanungin lang po natin uli, kanino napupunta ‘yang P300,000 na ‘yan?!

Sa Munisipyo o sa Barangay?!

What the fact!?

Alinman sa dalawa ang pinatutunguhan ng ‘toll fee,’ may tungkuling ayusin ‘yang alternatibong kalsada na dinaraanan sa Barangay Tumbaga.

Hindi ‘yung singil nang singil ng ‘ilegal’ na toll fee pero lubak-lubak at pagkalalaki ng mga bato sa dinaraanan ng mga sasakyan.

Sariaya Mayor Rosauro “Boy” Masilang, alam mo ba ‘yang paniningil ng ‘toll fee’ ni Bascogin?!

Busisiin mo po!

Immigration officers/employees sa DMIA matindi ang demoralisasyon sa kanilang opisyal!?

HINDI na maintindihan ng mga Immigration officers and other employees sa Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) sa Clark, Pampanga kung paano pa nila gagawin nang tama ang kanilang mga trabaho.

Matindi na raw ang kawalan ng ganang magtrabaho o motibasyon ang nararanasan ngayon ng Immigration officers and employees sa Diosdado Macapagal International Airport (DMIA).

In short, talagang DEMORALISADO sila. Kung dati ay lagi silang excited sa pagpasok sa kanilang trabaho, ngayon  ‘e parang tinatamad na sila.

Kasi kahit gampanan nila nang tama ang kanilang tungkulin ay mayroon isang opisyal na alias ‘KABAYO’ umano na grabe mang-BULLY at mang-HARASS.

Lalo na kung exclusion ng pasaherong hinihinala nilang tourist/worker ang lakad sa labas ng bansa.

Kapag ini-exclude nila ang isang pasahero, nagugulat sila dahil biglang sinasalo at pinupunit pa raw ang exclusion order ng isang opisyal na alias “KABAYO” sa BI-DMIA.

Walang pwedeng kumontra sa kaastigan ni alyas Kabayo.

Dahil kapag kumontra ang isang pangkaraniwang Immigration officer, siguradong may kalalagyan sila.

Lahat ng mga kumukuwestiyon sa kanya ay binu-bully sa pamamagitan ng report na ginagawa at ipinadadala sa Immigration main office.

Tsk tsk tsk …

Mukhang hindi kayang ‘kalusin’ ng mga Immigration bossing ang kaastigan at pambu-bully ni alyas Kabayo?

Hindi rin sila (IOs) agad makapagdesisyon sa ilang insidente kasi nga kung pumasok ‘yung dalawang opisyal, tatlo hanggang apat (3-4) oras lang. Tapos hindi pa raw  naka-uniporme at naka-civilian clothes lang.

Ipinananakot pa umano ni alyas Kabayo ang isang “Madame M”  na kapag may nakalabas na impormasyon kung ano ang tunay na nangyayari sa Clark (DMIA) ay ipatatapon sa mga border crossing.

Kaya kahit hirap na hirap na kay alyas Kabayo ang mga taga-BI-DMIA ‘e tipong wala silang magawa.

Hindi sila makapagsumbong sa takot na ‘sipain’ sila ni alyas Kabayo.

‘Yung iba playing safe na lang sila lagi, kaya kapag pinunit ni alyas Kabayo ang  exclusion order na inirerekomenda nila para sa isang pasahero ‘e wala na silang magawa.

Kaysa nga naman mapag-initan sila e mas mabuti pang manahimik na lang sila.

Ang nangyayari tuloy ayaw na nila magdesisyon. Kasi kapag nag-refer sila ng tao tiyak bubulyawan at sasabihin na “bahala kayo magdesisyon!”

Pero kapag nagkamali naman, ire-report niya.

‘E humihingi nga ng tulong sa kanya tapos bigla niyang ire-report?!

What the fact!?

Ito pa ang matindi, kahit walang flight bawal kumain, bawal mag-rest, bawal umalis sa counter, bawal pumunta sa officers lounge.

Kapag may exclusion, sasabihan ang Immigration officers na ‘wag na ituloy at punitin na lang kasi ire-recall din naman daw ‘yun. Kilala niya kasi kung ‘kanino galing’ ang mga pasahero.

Gusto na nga raw magpalipat o magpa-recall ng ilang IOs sa BI-DMIA kasi hindi na nila masikmura ang palakad ni alyas Kabayo.

Dagdag pasanin pa umano nila ang ginagawang pagkiling sa confidential agent (CA) na si alyas ‘KASTOY” na dating bata raw ni Capulong at ng kanyang Bulong Queen na si Pining-er.

Alam kaya ni DMIA Immigration asst. Head Ms. Maan de Pedro,ang mga nangyayaring ito sa kanyang teritoryo?

Immigration Commissioner Fred Mison, Sir, mukhang ginagamit ni alyas Kabayo ang ipinagkatiwala sa kanyang kapangyarihan ng Civil Service Commission (CSC) para sa kanyang sariling raket at kapakanan.

Pakibusisi na lang po!

Isang maligaya at makabuluhang kaarawan Bro. Eduardo “Eddie Boy” Manalo

BINABATI natin ng isang masaya at makabuluhang kaarawan si Iglesia Ni Cristo (INC) Deputy Executive Minister Bro. Eduardo V. Manalo nga-yong araw.

Hangad natin ang malusog na pangangatawan at mahabang buhay para sa patuloy na pagsulong at pag-unlad ng INC.

Muli, isang makabuluhan at masayang kaarawan, Ka Eddie!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Jerry Yap

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *