Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Unang ‘hopefuls’ sa The Voice, grabe ang pagka-halimaw!

ni Ambet Nabus

103014 voice

AY tunay namang bongga ang pagsisimula ng The Voice of the Philippines season 2 noong Linggo sa ABS-CBN.

Grabe ang pagka-halimaw sa boses ng mga unang ipinakitang ‘hopefuls’ at aakalain mo ngang grandfinals na hahaha! Ibang klase rin ang okrayan ng coaches na sina Apl de Ap, Bamboo, Lea Salonga, at Sarah Geronimo. Kapang-kapa na nila ang emosyon ng bawat isa at normal na lang ang pagbabahagi nila ng kanilang mga ‘yabang’ para makahila ng gusto nilang contestant.

And yes, grabe rin ang level ng husay ng mga host na sina Luis Manzano at Toni Gonzaga. Sa daldal nila at bilis magsalita, kailangan mo silang sundan para hindi ka mawaley sa kanilang okrayan. Kuwela rin ang tandem nina Alex Gonzaga at Robi Domingo bilang mga social media VJs dahil ibang klase rin ang harutan nila.

Kung matutupad ang goal nilang lampasan ang success ang season one pati na ng mas bonggang The Voice Kids, tiyak nating masusubaybayan sa mga susunod na episodes. Wish naming ma-feel every time na parang grandfinals ang show dahil nakaka-high talaga ang mapakinggan at mapanood ang kakaibang boses ng mga Pinoy!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …