Thursday , June 4 2026

Jake, mas maingat na sa pagpili ng project dahil sa int’l acting award

ni Ambet Nabus

103014 jake cuenca

 

NGAYONG mayroon ng international acting award na masasabi si Jake Cuenca, tiyak na mas magiging maingat na ito sa pagpili ng mga acting project.

Sa panalo ni Jake bilang Best Actor Feature sa katatapos na 2014 International Film Festival Manhattan, sa New York for his entry Mulat, napatunayan ni Jake na seryoso siyang aktor.

Kasalukuyan pa ring nasa New York si Jake dahil nag-aaral pa nga ito sa isang kilalang acting school doon, nang matiyempong ganapin ang seremonya noong October 23 sa Kalayaan Hall of the Philippine Consulate General sa New York. Naroon din ang direktor ng pelikulang kanyang pinagwagian, si Diane Ventura na nanalo ring Best Director for a global feature naman.

Well, siguro naman mareh ay na-prove na ngayon ni Jake na hindi siya ham actor at ‘yung nakuha niyang award as Best Supporting Actor dati ay patunay na may “laman” siya bilang artist. HIndi rin natin siya mapipigil kung sobra man ang kanyang pride sa ngayon dahil sa Best Actor title lalo pa’t naibigay ito ng isang kinikilalang international group.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …