Wednesday , December 25 2024

Pnoy sumunod sa kanyang “Boss”

I urge you, brothers, in view of God’s mercy, to offer your bodies as living sacrifices, holy and pleasing to God—this is your spiritual act of worship. –Romans 12:1

TINULDUKAN na rin ni Pnoy ang matagal nang bumabalot na intriga na umano’y nais niyang mapalawig pa ng 2ndterm ang kanyang panunungkulan sa Malacañang.

Sa isang pagtitipon, sinabi ni Pnoy na hindi katanggap-tangap sa publiko ang ikalawang termino.

Oks ‘yan sa mga boss!

***

TUNAY na nakinig si Pnoy sa tinig ng kanyang mga ‘boss’na nataon naman sa paglabas ng Social Weather Station (SWS) sa kanilang survey na nagsasabing mayorya ng Pilipino ay ayaw magkaroon ng 2nd term si Pnoy.

Ito rin naman ang panawagan ng marami na dapat nang bumaba si Pnoy matapos ang kanyang termino sa June 2016. Dahil tiyak magagalit ang kanyang mga magulang lalo si Tita Cory kung nabubuhay pa na hindi nagahaman sa kapangyarihan.

Because, one term is enough!

Who’s next kay Pnoy?

PERO sa mga kontrobersyang pumuputok ngayon laban sa mga sinasabing “next in line” kay Pnoy ay nababahala ang publiko.

Tinahak ni Pnoy ang tuwid na daan para sa mamamayan, subali’t, baka ang pumalit sa kanya ay ilako ang “hacienda daan”

Susme, katakot talaga mga kabarangay!

ISIPIN na lamang na ang huling lumabas na surbey ng SWS na 4.8M pamilya pa rin ang nagsasabing nakararanas pa rin sila ng gutom.

Kaya tayong nakakakain pa ng tatlong beses isang araw ay marapat na magpasalamat sa biyayang natatangap sa araw-araw. Magkasya sa kung ano meron, dahil ang iba ay salat pa rin sa kahirapan.

Count your blessings everyday!

Kailan matatapos ang eskandalo sa PNP?

NABALOT na naman ng eskandalo ang PNP. Isang GRO ang ginahasa mismo sa loob ng Southern Police District (SPD) Headquarters.

Hindi pa man nakarerekober sa kabi-kabilang eskandalo ng “hulidap” ang PNP, heto at nabatikan na naman putik ang pulisya.

Ang matindi, ang suspek ay isang opisyal!

***

DIOS MIO mga kabarangay, kailan pa kaya makababangon at malilinis ang mabahong imahe ng pulisya. Hindi na bagay ang kanilang slogan na “to serve and to protect.”

Noon kapag nakakita ka ng pulis, binabati pa ng mga tao ng “good morning” iginagalang at inirerespeto ang mga pulis noong dekada 50 hanggang 70’s

Pero ngayon, nakatatakot na silang lapitan at maging sumbungan ng taumbayan!

***

SI Mayor Alfredo Lim na isang tanyag na police officer ng kanyang kapanahunan ay nadedesmaya kapag may naririnig na masamang balita laban sa pulisya.

Biruin mo, iniingatan at minahal mo nang lubos ang propesyong ito, pero dinudungisan lamang ng ilang tiwaling pulis.

Wala silang karapatang magsuot ng uniporme kahit isang segundo!

***

ANG pulis ay marangal, disiplinado at kagalang-galang. Napaka-unfair sa matitinong pulis sa PNP ang mga ganitong uri ng kahihiyan sa kanilang hanay.

Nakade-demoralize rin sa mga kabataang nag-aambisyong maging pulis. May mahigit 160,000 miyembro ang PNP, iilan lamang ang “bad eggs” pero dapat hangga’tmaaga ay alisin na ang bulok sa PNP upang hindi na makahawa pa sa iba!

Alisin ang mga bugok sa PNP!

HETO ang reaksyon ng ating mga kabarangay sa nakarang kolum natin sa Hataw:

KREDITO SA MANILA HALL OF JUSTICE

Si myor lim ang unang nagsulong na magkaroon ng sariling gusali o hall of justice ang mga piskal at huwes sa maynila, kaya sa knya dpat ang kredito sa pagta2yo nito, for your information!—09324111+++

WALANG MODO ANG MGA DOKTOR SA OSPITAL NG SAMPALOC

Che masu2ngit po tlaga mga doktor sa ospital ng sampaloc lalo na un doc Garcia walang modo kung mag-aasta sa mga pasyente nlang mahi2rap dpat dyan sipain sa ospital! —09328848+++

ALISIN ANG CONSULTATION FEE SA MGA PUBLIC HOSPITAL

Apela lang che, dpat alisin na ang consultation fee sa mga public hospital sa maynila, kya nga nagpu2nta sa mga public dhil wala pambayad ang maiga mahi2rap. —093214267+++

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya Santos

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *