Wednesday , December 25 2024

May mga utak wangwang pa sa daang matuwid ni Pnoy

BIGO sa Yolanda rehabilitation program, bigo rin ba sa anti-utak wangwang ang administrasyong Aquino?

‘Yun bang tipong naging ‘just saying’ lang ‘yung utak-wangwang at daang matuwid.

Nitong nakaraang Lunes ng hapon, isang female professor ng University of the Philippines (UP) ang nabiktima ng mga utak-wangwang d’yan sa Tandang Sora.

Patungong Himlayang Pilipino ‘yung female professor kasama ang kanyang pamilya sakay ng Toyota Fortuner.

Nasa Congressional Avenue na ang female professor sakay nga ng Toyota Fortuner nang isang

Toyota Innova na sinusundan ng heavily-tinted Toyota Land Cruiser ang humarang sa kanila dakong 12 noon.

Kaya napilitan ang anak ng female professor na mag-pull-over.

Nagulat na lang ang pamilya no’ng female professor nang biglang bumaba sa Toyota Innova ang isang lalaki na tila bodyguard, sabay binunot ang kanyang armas, nagmura saka sinabing, “Hindi mo ba alam na may binabantayan kaming convoy?”

Sa kabila ng inasal ng bodyguard, nagsalita nang malumanay ang female professor at sinabihan ang bodyguard na huminahon dahil kasama nila ang kanyang manugang na babae at dalawa pang bata, edad 5 at 6 anyos.

Sa pagkakataong iyon biglang bumalik sa Innova ang ‘talantadong’ bodyguard saka humarurot kasunod ang Land Cruiser.

Sonabagan!!!

Natuklasan na ang Innova, may plakang ZEL 124 ay nakarehistro sa isang Priscilla Francisco Meneses, residente sa Barangay Bambang, Bulakan, Bulacan.

Nabatid na si Priscilla ay ina ni Bulakan ýMayor Patrick Meneses.

Ang Land Cruiser (PQS 904) naman ay nakarehistro sa ilalim ng Mactab Construction Supply na may business address sa N. Domingo St., San Juan City.

Ang punto lang natin dito, sa kabila na mayroong anti-utak wangwang ang daang matuwid ni PNoy ay nakalulusot pa rin ang mga utak-warlord gaya ng mga sakay ng Innova (ZEL 124) at Land Cruiser (PQS 904).

Kung totoo man na ang nasabing convoy ay grupo ni Bulakan Mayor Patrick Meneses, aba ‘e dapat siyang kastigohin ng Department of the Interior and Local Government (DILG)!

Ikaw na naman ‘yan Secretary Mar Roxas!

Anyare ba talaga sa DILG at puro sablay ang asal ng mga tao mo Secretary Roxas?!

MPD police station 1, bagsak sa PNP Code-p!

HINDI natin alam kung tinatamad nang magtrabaho ang mga pulis na nakatalaga d’yan sa Manila Police District Raxabago Station (PS 1) o hindi talaga nila alam kung ang tungkulin nila sa mamamayan.

Hindi na ako magtataka kung bakit tanging ang MPD PS-1 ang paboritong hagisan ng Granada!

Kung hindi pa nagsumbong kay MPD CDDS chief S/Supt. Gilbert Cruz ‘yung isang katoto natin ay hindi pa maaaksyonan ang ginawang pana-nampal sa anak ng kanyang kaanak ng isang babaeng may-sapak sa Gagalangin, Tondo.

Ang biktima ay isang 10-anyos batang babae na sinapak nga umano ng isang babaeng may sapak.

Nagpunta sila sa tanggapan ng Barangay 186 Zone 16 para ireklamo ang insidente pero hindi umano sila pinansin ng barangay officials.

Kung hindi tayo nagkakamali ‘e si Chairman Jimmy Llorente ang namumuno rito.

Dahil hindi pinansin, napilitan magpunta ang bata at ang kanyang magulang sa presinto (MPD PS1).

Pero pagdating doon e sinabi ng ‘De Mesa’ na wala umano ang blotter nila at babaeng pulis na nag-iimbestiga ng mga ganoong kaso (Republic Act 7610 – Violation Against Women and Children (VAWC). Kaya pinababalik na lang sila ki-nabukasan, araw ng Linggo dakong 2:00 pm.

Bumalik naman sila, pero ganoon pa rin ang litanya ng ‘De Mesa.’

Wala pa rin ang babaeng imbestigador na on-duty.

Hindi rin umano magagawan ng entry sa blotter dahil nasa ‘itaas’ daw iyon ng opisina.

What the fact!?

Muli silang pinababalik, araw ng Lunes.

Pero kinabukasan, may jeepney STRIKE naman daw kaya male-late ng pasok ang imbestigador.

Sonabagan!!!

E ano ba talaga, Supt. Yuzano?!

Ano ba ang pinaggagagawa ng mga pulis ninyo?! Kung hindi pa nagpakilala ‘yung magulang ng biktima na mayroon silang kaanak na taga-MEDIA ‘e hindi pa aasikasuhin ng pulis ninyo!

Abangan n’yo na lang ang ‘tabak ni Damocles.’

‘Di ba, S/Supt. Gilbert Cruz?!

DMIA sa Clark, Pampanga ginagamit ng ‘sindikato’ ng human trafficking na kinakandili ni alyas kabayo

ANG Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) umano ngayon ang lunsaran ng human trafficking activities ng mga illegal recruiter at mga kasabwat nila sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Dito umano sa DMIA umaalis ang mara-ming overseas Filipino workers (OFWs) na puro ‘REPRO’ ang papeles ng OEC POEA.

Ano po ang ibig sabihin ng reproduction (repro)?!

Ito po ‘yung dokumento na overseas employment clearance (OEC) na ini-issue ng POEA sa mga OFW na magtatrabaho sa abroad na kaila-ngan ipresinta sa Immigration.

Maraming kaso sa DMIA na ang ginagamit ng pasahero paalis ng bansa ay OEC ng POEA ay PEKE dahil hindi pareho o hindi synchronized ang posisyon sa trabaho sa kanyang pinirma-hang kontrata.

Malinaw na ang tawag d’yan ay reproduction!

Pinapalitan lang ang pangalan pero ang posisyon ay iba sa kontratang pinirmahan.

Ayon sa ating mga impormante, maraming suspendidong recruitment agency na nasa opis-yal na talaan ng POEA pero mas madalas umano ay kakontsaba ng ilang tulisan sa POEA ang agency at sa Immigration.

Dapat umano ay hindi paalisin ang pasahe-rong may pekeng OEC hangga’t hindi nako-correct at hindi synchronize ang detalye sa mga dokumento pero dahil may kontsabahan nga, kaya pinalulusot ang ‘tourist worker’ d’yan sa DMIA.

At ang pasimuno ng raket na ito sa DMIA ay isang alias “KABAYO”!

Pakipaliwanag nga Immigration-DMIA Head supervisor  Elsie Lucero, kung bakit nakalulusot sa matutulis ‘este matatalas ninyong pang-amoy ang mga ‘yan!?

Kwarta lang ang umiiral na batas sa Pinas

PERA, kwarta o salapi talaga ang ginagamit na kapangyarihan ng mga criminal at mga animal na lider dito sa lipunan natin, at pati na rin ‘yung pagkakapal o adobe na pagmumukha. Nagagawang babuyin ang batas at binubulag nang pangmatagalan. Lipunan ng kahayupan talaga ang patuloy na umiiral, pati buhay impiyerno regular na nalalasap natin! Ka tropa Donald ng tundo! +639196654 – – – –

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Jerry Yap

 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *