Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-asawang senior citizen tinarakan ng lasenggong pamangkin

KAPWA sugatan ang mag-asawang senior citizen dahil sa pananaksak ng kanilang lasing na pamangkin matapos pag-sabihan tungkol sa palagi niyang pag-iinom sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City.

Ginagamot sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sina Carlos Alipin, 69, Elena Dein, 64, residente sa 975 Ilang-I-lang St., Barrio Concepcion, Brgy. 188, Tala ng nasabing lungsod.

Agad naaresto ang suspek na si Ben Bartulata, 35, pamangkin ni Elena, nakikitira sa bahay ng mag-asawa, nahaharap sa kasong attempted homicide at illegal possession of deadly weapon.

Batay sa ulat ni PO3 Reynaldo Placido, dakong 10:30 p.m. nan dumating na lasing ang suspek.

Sinita ng mag-asawa ang suspek dahil laging naglalasing imbes maghanap ng trabaho.

Dahil dito, uminit ang ulo ng suspek kaya kumuha ng patalim saka inundayan ng sunod-sunod na saksak ang mag-asawa.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …