Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suspension vs Gov. Tallado sa sex scandal

POSIBLENG masuspinde si Camarines Norte Governor Edgardo Tallado kaugnay ng kinasa-sangkutang eskandalo sa pagkakaroon ng kala-guyo.

Ayon kay Civil Service Commission (CSC) Chairman Francisco Duque III, hindi magandang halimbawa at/o modelo ang ginawa ni Tallado.

Sinabi niya, alinsu-nod sa Administrative Code of 1987, bilang isang public official ay nagdulot ng kahihiyan hindi lamang sa kanyang opisina kundi sa buong probinsya ng Camarines Norte ang ginawa ng gobernador.

Dahil dito, maaari siyang masuspinde ng anim buwan hanggang isang taon dahil sa disgraceful at immoral conduct.

Dagdag niya, kapag hindi nagsampa ng ano mang reklamo ang kanyang asawa ay maaaring maghain ang sino mang taxpayer ng administrative complaint sa Ombudsman o sa Office of the President laban sa gobernador.

Bukod dito, pwede rin gamitin kontra sa gobernador ang pahayag sa media ni Ginang Josefina Tallado kasama na ang kumakalat na sex photo at video.

Posible rin panagutin ng Department of Interior and Local Government ang gobernador sa ilalim ng Republic Act 6713 o Ethics and Accountability of Public Officials.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …