Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sinusundan ng dog at sunog

00 Panaginip

Hello po sir,

Ang pngnip ko ay about s dog, sinusundan ako ng dog, d naman siya mabagsik peo d rin cute parang askal lang, 1 p pngnip ko ay may sunog peo d ko alam kng building yata po o kung ano, wait ko po ito s dyaryo nio.. tnxk-bert of pasig.. pls don’t post my cp no.

To Bert,

Ang aso sa panaginip ay simbolo ng intuition, loyalty, generosity, protection, at fidelity. Ito ay nagsa-suggest na ang iyong strong values at good intentions ay magiging susi ng iyong pag-usad at tagumpay. Alternatively, ito ay maaari rin namang nagsasaad ng ukol sa talentong iyong binabalewala o kinalimutan na. Sakali namang ang aso ay mabagsik at umuungol, ito ay nagpapakita ng ilang inner conflict sa iyong sarili. Maaari rin naman na ang panaginip mo ay nagsasaad ng betrayal at untrustworthiness. Posible rin na ito ay nagpapakita na nawala o nawawala ang iyong kakayahan upang balansehin ang ilang aspeto ng iyong buhay. Maaaring ito ay bunsod ng iyong agam-agam upang harapin ang bagong sitwasyon o kaya naman, wala kang interes o kagustuhang umabante tungo sa iyong mithiin. Alternatively, maaari rin naman na ito ay sagisag ng disloyalty para sa ilang malalapit sa iyo na hindi mo pa pala talagang lubos na kilala. Dapat mo ring pahalagahan ang mga malalapit sa iyo na may pakinabang ka at may mabuting naidudulot para sa iyong interes at kapakanan.

Ang ukol naman sa sunog, depende sa konteksto ng iyong panaginip, ito ay maaaring sumisimbolo sa destruction, passion, desire, illumination, purification, transformation, enlightenment, o anger. Posible rin naman na nagpapahayag ito na something old is passing at something new is entering into your life. Ang iyong pag-iisip at pananaw ay nagpapakita rin ng pagbabago. Kung kontrolado o nasa iisang lugar lang ang sunog, maaaring ito ay metaphor ng iyong internal fire at ng hinggil sa inner transformation. Ang panaginip na ganito ay maaaring metaphor din para sa isang tao na “fiery”. Ito ay posibleng nagre-represent din ng iyong drive, motivation, at creative energy. Alternatively, maaari rin namang ang tema ng panaginip mo ay isang babala sa mga delikado o mapanganib na aktibidad at ito ay literal na nagpapahiwatig ng paglalaro ng apoy.

Señor H.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …