HINDI masisisi si Globalport team owner Mikee Romero kung isipin niyang magpalit ng coach sa umpisa ng PBA Philippine Cup.
Ito ay matapos na matalo ang Batang Pier sa NLEX, 101-96 sa kanilang unang laro.
Mangyari ay lumamang ang Globalport ng sampung puntos sa third quarter subalit hindi napigilan ang comeback ng Road Warriors at tuluyan ngang yumuko.
Bunga nito ay lumabas ang balitang si Pido Jarencio ay papalitan ni Franz Pumaren kung magpapatuloy ang pagsadsad ng Batang Pier.
Hindi naman maituturing na’impulsive” si Romero. Kasi, nakadalawang conferences na si Jarencio bilang coach ng Globalport. At sa loob ng panahong iyon ay dalawang panalo lang ang naitala ng Batang Pier.
Disapppointing nga naman iyon at mahirap tanggapin lalo na ni Romero na sanay sa pagiging kampeon ng kanyang koponan noong sila ay naghahari sa amateur league.
E, kug tutuusin nga ay mas maganda ang naging record ni Ritchie Tizon sa Philippine Cup noong nakaraang season dahil sa hindi kaagad na-eliiminate ang Globalport.
Sa kabila nito ay pinalitan ni Jarencio si Ticzon. At hindi gumanda ang performacne ng Globalport buhat doon.
Kung sakali ay hindi naman tatanggaling tuluyan si Jarencio . Kung papalitan siya n Pumaren, si Jarencio ay iaangat bilang team manager.
Para bang babalasahin na muna ni Romero ang kanyang koponan sa hangaring mabago ang kanilang kapalaran.
Pero nanalo nga ang Globalport kontra Barako Bull sa kanilang sununod na laro kaya wala munang palitang mangyayari.
Ang siste’y palaging nakaamba ang pagpapalit mula ngayon.
Sabrina Pascua