Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagtatapos ng Ikaw Lamang, makapigil-hininga

 

102914 ikaw Kim Coco joel boyet

00 fact sheet reggeePIGIL ang hininga ng mga nakapanood sa pagtatapos ng Ikaw Lamang Full Circle episode noong Biyernes dahil inaabangan kung paano magagapi ni Gabriel (Coco Martin) ang taong sumira ng buhay ng pamilya niya na si Franco (Christopher de Leon).

Bilib kami sa propesyonalismo ni Boyet dahil pumayag siyang isabit sa bakal na ikinamatay niya dahil tumusok ito sa katawan niya na karamihang gumagawa lang nito ay mga supporting actor.

At hindi naman nabigo ang cast sa mga hirap nila dahil nagtala ng 34.1%, o 21 puntos ang lamang sa katapat nitong programa sa GMA na Hiram na Alaala na nagtala ng 13.1%.

Nanguna rin ang Ikaw Lamang sa social networking sites tulad ng Twitter na naging no.1 worldwide trending topic ang official hashtag nito na #ILFullCircle dahil sa buhos ng mga positibong tweets ng netizens.

Tulad ng pangako nina Coco at Kim Chiu sa mga sumusubaybay ng Ikaw Lamang, bibigyan nila ng happy ending dahil halos lahat sila ay buhay maliban kay Samuel na ginagampanan ni Joel Torre.

Ang Ikaw Lamang ay idinirehe nina Malu Sevilla, Manny Palo, at Avel Sunpongco, mula naman sa Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng Walang Hanggan, Ina Kapatid Anak, at Juan dela Cruz.

 

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …