Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yeng, maghihintay pa ng 2 taon bago mag-anak; kasal sa Feb., handang-handa na!

102914 icon rico yeng gloc 

00 SHOWBIZ ms mTULOY NA TULOY na ang kasalang Yeng Constantino at Victor Yan Asuncion sa February 2015. Pero matagal-tagal pala ang ipaghihintay ng dalawa bago sila mag-anak.

Kailangan muna kasing hintayin ni Yeng ang kanyang ika-10 annibersaryo sa showbiz ito’y bilang respeto na rin sa manager niyang si Erik Raymundo ng Cornerstone.

“Ready na ako (magka-baby). Gusto ko na rin naman po. Puwede naman na po, pero kailangan lang talaga na hindi pa basta-basta, kasi tao po ‘yan, eh. Kapag inilabas mo na sa mundo, responsibilidad mo na ‘yan.

“’Yung two years po namin, bukod sa pagpapalalim ng aming relationship at pag-honor sa aking management, preparation na rin po ‘yon ng magiging buhay ng anak namin,” ani Yeng na walong taon na pala ngayon sa showbiz.

Ani Yeng, okey naman daw sa kanyang magiging asawa ang plano niya.

“Okay po si Yan sa ganoon dahil hindi naman po kasi kami ‘yung ideal couple na friends muna at saka naging mag-boyfriend po.”

Kung sakali, gusto raw nina Yeng at Yan na babae ang una nilang maging anak dahil puro pala lalaki ang sina Yan.

Samantala, sobrang relax bride to be na si Yeng dahil ayos na lahat ng detalye para sa kanilang kasal ni Yan next year. Kaya naman nakaka-raket at tuloy pa rin siya sa paglabas sa ASAP.

“Noong nag-propose po si Yan, naghanap na po ako ng pegs na gusto ko, kung ano ang gusto ko na wedding, wala po akong stress na katulad ng sinasabi ng iba. Hindi po ako talaga mahilig sa details, pero nae-enjoy ko po talaga ang pagbubutinting at pagtingin-tingin ng mga kutingting para sa wedding,” kuwento pa ni Yeng na pati pala mga iimbitahan sa kanilang kasal na karamihan ay sa circle of friends nila ang bumubuo ng entourage ay nakaayos na.

“Para akong langgam, maaga po akong nag-prepare,” anito na mayroong concert kasama sina Rico Blanco at Gloc-9, ang ICON: The Concert, na gaganapin sa Araneta Coliseum sa November 21. Ang ICON: The Concert ay prodyus ng Cornerstone Concerts na ididirehe ni Paul Basinilio at si Ria Villena Osorio naman ang musical director.

Sa Maldives naman nakatakdang mag-honeymoon sina Yeng at Yan.

 

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …