Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Five hundred ang invited guests sa 3 in one celebration ni Coco Martin ngayong gabi

101014 coco martin

00 vongga chika peterFirst time magsi-celebrate ng kanyang birthday sa showbiz ang “Hari ng Teleserye” sa Primetime Bida ng Kapamilya network na si Coco Martin. Sa November 1 pa, actually ang birthday ni Coco pero ngayong gabi ay magaganap sa sosyal na venue sa Kyusi ang kanyang 3 In One Celebration para sa birthday ng actor, 10th year nito sa showbiz at Thanksgiving. Kung siya (Coco) lang ang masusunod ay gusto sana niyang maging tahimik at simple lang ang celebration ng kanyang natal day kasama ang buong family. Pero dahil sa ideya nga ng kanyang manager-friend na si Sir Biboy Arboleda o Mother Bebs ang malaking selebrasyon at para makapagpasalamat na rin nang personal sa lahat ng mga tao sa industriya na tumulong at sumuporta sa kanya para maabot ang kasikatan ngayon sa showbiz, sumang-ayon na rin ang aktor at balita pa namin ay nasa 500 ang inimbitahan para sa okasyon. Ilan sa expected guests sa said event ang big bosses ng ABS-CBN na sina Sir Gabby Lopez, Ma’am Charo Santos at mga top executive ng ABS-CBN. Samantala isang malaking regalo naman for Coco ang tinanggap na magandang rating last Friday para sa finale episode ng teleserye nilang “Ikaw Lamang” na pinakatutukan at pinakapinag-usapang TV program sa bansa na master teleserye ng ABS-CBN. Ayon sa datos mula sa Kantar Media, pumalo ang “Full Circle” episode ng teleseryeng pinagbibidahan nina Coco Martin at Kim Chiu sa national TV ratings na 34.1%, o 21 puntos na kalamangan kompara sa katapat na programa sa GMA na “Hiram na Alaala” (13.1%). Bukod sa pamamayagpag sa ratings, nanguna rin ang “Ikaw Lamang” sa social networking sites tulad ng Twitter na naging No.1 worldwide trending topic ang official hashtag nito na #ILFullCircle dahil sa buhos ng mga positibong tweets ng netizens kaugnay ng mga makapigil-hiningang eksena sa pagtatapos ng master teleserye. Nasaksihan ng buong sambayanan sa finale ng “Ikaw Lamang” ang huling pakikipagtuos ni Gabriel (Coco) kay Franco (Christopher de Leon), at ang pagbibigay katuparan nila ni Andrea (Kim) sa pag-ibig na dating hinadlangan ng nakaraan. Sa ilalim ng direksyon nina Direk Malu Sevilla, Manny Palo, at Avel Sunpongco, ang master teleseryeng “Ikaw Lamang” ay isa sa mga obra ng Dreamscape Entertainment Television ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng “Walang Hanggan,” “Ina Kapatid Anak,” at “Juan dela Cruz.” For all of us here at Hataw D’yaryo Ng Bayan happy-happy Birthday in advance to you Rodel Cortez Nacianceno a.k.a Coco Martin.

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …