Wednesday , December 25 2024

CJ Sereno, walang sense of propriety; Coloma, alis diyan!

MARAMI ang nagulat nang nakitang sabay dumalo sina Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at si ousted president-convicted plunderer Joseph Estrada sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) Greater Manila Area convention kamakailan.

Sentro ng isyu sa kanilang pagtatagpo ang Manila Justice Hall na proyekto ni Mayor Alfredo Lim noong 2012, na ang groundbreaking ceremony ay matatandaang dinaluhan pa ni SC Associate Justice Antonio Carpio at dating SC Spokesman Midas Marquez sa lumang gusali ng GSIS sa Aroceros, Manila.

Palibhasa’y walang sariling proyekto si Erap sa Maynila kundi puro pagkakaperahan, gusto niyang malipat ang kredito sa kanya ng proyekto ni Mayor Lim.

Kesyo hiniling daw ni Estrada kay Sereno na ituloy ang pagtatayo ng Manila Hall of Justice sa matagal nang abandonadong gusali.

Tiniyak naman ni Sereno kay Estrada ang commitment ng SC na ipatatayo ang nasabing gusali.

Alam nating lahat na ang sentensiyadong mandarambong na si Erap ay may disqualification case na kinakaharap at hanggang ngayon ay nakatengga pa sa SC.

Hindi kaya sumagi sa matalinong isip ni Sereno na “grossly improper” para sa isang mahistrado na magpunta sa isang okasyon na naroon din ang sinomang politiko, lalo na’t ang katulad ni Estrada na ang kaso ay hawak ng SC?

Kung balewala kay Sereno at sa mga kasamahan niyang mahistrado sa SC ang “delicadeza” hindi imposible na tuluyan nang gumuho ang tiwala ng publiko sa hudikatura.

Ang dahilang lang ba kaya sinibak nila si Sandiganbayan Associate Justice Gregory Ong sa kasong “grosss misconduct” kamakailan ay para magsilbing “deodorizer” ng SC sa judiciary?

Coloma resign!

HINDI pa rin ba nahahalata ng Palasyo hanggang ngayon ang pagiging oportonista nitong si Communications Secretary Hermino “Sonny” Coloma, Jr., na mahilig mamangka sa dalawang ilog?

Idenepensa pa ni Coloma si Vice President Jejomar Binay sa mga diretsahang pagbanat sa administrasyon ni PNoy.

Pinalalabas pang tanga ni Coloma ang publiko at hindi naiintindihan ang mga banat laban sa administrasyon, na kesyo hindi naman daw direkta kay Pangulong Aquino ang bira ni Binay, kahit pa mga programa at patakaran na ni PNoy bilang Punong Ehekutibo ang pinintasan nito.

Nakalimutan na yata ni Coloma na bukod sa Bise-Presidente, si Binay ay miyembro rin ng gabinete ni PNoy bilang housing czar at Presidential Adviser on Overseas Filipino workers (OFWs) kaya’t bahagi siya ng administrasyon na kanyang binabanatan.

Ang pagbanat ba sa administrasyon ni PNoy ay nagkataon lang na iniimbestigahan naman si Binay ng Senado sa mga hindi niya maipaliwanag na tagong-yaman?

Kung gustong itago ni Coloma na kakampi siya ni Binay ay huwag niyang gawing gago ang publiko at idamay sa kanyang mga kalokohan at kasinungalingan.

Tulad ni Binay, dapat nang lumayas at mag-resign si Coloma sa gabinete ni PNoy para ma-enjoy naman niya ang kanyang naipon sa loob ng apat na taon bilang taga-areglo ng mga manloloko sa gobyerno at mamamayan.

Tama ba, Mr. Reghis Romero ng R-II Builders?

Piercing Shots 

SEX PHOTOS NI GOB, MARANGAL – Humingi ng paumanhin si Camarines Norte Gov. Edgardo Tallado dahil sa pagkakasangkot sa “sex scandal,” at ayon sa kanya nagagawa pa rin niyang humarap sa mga kababayan dahil hindi naman daw isyu ng pagnanakaw sa kaban ng bayan ang kanyang kinasangkutan.

Para sa kanya pala ay kagalang-galang at marangal ang mga hubo’t hubad na sex photos nila ng batam-batang babae kaysa pagnanakaw!

***

MASAHOL PA SA TULO – Nagbunga ng masamang paniwala sa na-eskandalong gobernador ang inabot niyang kahihiyan, nalimutan niya na parehong masama ang pagnanakaw at ang pinaggagagawang kalaswaan sa buhay bilang public official.

Kawawa naman ang mahahawahan ng kanyang immoral na paniniwala at daig pa ang nahawahan ng sakit na ‘tulo.’

***

(Para sa sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang liham sa e-mail address: [email protected])

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *