Friday , November 15 2024

41,000 parak ipakakalat sa undas

NAKAHANDA na ang Ligtas Undas 2014 ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) kabilang ang pagpapatupad ng full alert status simula Oktubre 30.

Inilatag ni DILG Secretary Mar Roxas ang paghahanda ng pinagsanib na pwersa ng kagawaran at ng kapulisan, Martes ng umaga.

Aniya, may mahigit 41,000 pulis sa buong Filipinas ang nakaalerto ngayong Undas sa mga dadagsaing lugar tulad ng sementeryo, lugar ng sambahan, bus terminals, seaports at airports, pasyalan, vital installations at iba pa.

Banggit niya, sa National Capital Region (NCR) pa lamang ay may 4,278 pulis na ang nakakalat, ilang libo lang ang layo sa 6,000 pulis na nakaalerto noong huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Dahil dito, kanselado ang leave ng mga pulis at extended ang duty nila. Umaasa ang kalihim na magiging 100% ang attendance ng mga pulis.

Bukod sa mga pulis, humingi na rin ng tulong ang DILG sa force multipliers tulad ng civilian volunteer groups at barangay patrol.

May kooperasyon na rin aniya sa iba’t ibang ahensya tulad ng Office of Port Securities, Metro Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO), Marina, Philippine Ports Authority (PPA), Philippine Coast Guard (PCG) at iba pa.

Sa Lunes, Nobyembre 2 inaasahan ang pagdagsa ng mga mag-uuwiang kababayan mula sa iba’t ibang probinsya.

Ibababa ang full alert status sa Nobyembre 3.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *