Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shabu ibinayad sa isinanlang CP

GENERAL SANTOS CITY – Laking gulat ng isang lalaki nang bayaran siya ng isang sachet ng shabu sa isinanla niyang cellphone sa isang tricycle driver.

Ayon sa nagreklamong si Jones Parsis, 34, residente ng Zone 4, Blk. 2, Brgy. Lagao sa lungsod ng Heneral Santos, isinanla niya ang kanyang cellphone sa tricycle driver na si alyas Dodong sa halagang P500.

Ngunit nagulat siya nang makitang isang sachet ng shabu at hindi pera ang iniabot sa kanya ni Dodong kaya’t agad niyang ibinalik sa naturang driver sabay bawi ng kanyang cellphone.

Agad niyang ini-report ang insidente sa Lagao Police Station ngunit nang magresponde ang mga pulis ay hindi nila inabotan ang tricycle driver na napag-alamang dati nang nahuli sa raid kaugnay sa illegal na droga ngunit nakalaya nang maglagak ng piyansa.

Sa ngayon, pinaghahanap ng mga awtoridad ang nasabing tricycle driver.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …