Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Demoniño (Ika-22 labas)

00 demoniño

UNTI-UNTING NAPAPATUNAYAN NI EDNA ANG BIRTUD NG PANYONG PUTI NI LOLO PRIMO

Ang mga mata ay parang sa isang mabangis na tigre na ibig manlapa ng bibiktimahin. Pero nang makita nito ang panyong puti na nakatali sa kanyang leeg ay bigla na lang nagpumiglas sa kamay ng yaya-kasambahay. At nagtatakbong pabalik sa sariling silid sa itaas ng bahay.

“Me sumpong ‘ata…” nasabi ni Shane patungkol kay Tony Boy.

“Baka tinatamad nang magpa-tutor,” hula naman ni Karl.

Pero iba ang nasa isip ni Edna. Pakiramdam niya ay takot lumapit sa kanya ang batang lalaki.

“Tama si Lolo Primo… Pati diyablo ay mangingilag sa taglay na kapangyarihan ng panyong ipinagkaloob niya sa akin,” hinuha niya.

Pinalipas lang ng dalagang guro ang isang araw at minsan pa niyang iniyapak ang mga paa sa bahay ng mag-asawang Karl at Shane. At pagdating niya roon ang kusi-nera na naman ang nagbukas sa kanya ng pintuan.

“Puyat sina Ate at Kuya… Kauuwi lang galing sa ospital…” bungad kay Edna ng kusinera.

“Anong ginawa ng mag-asawa sa ospital?”

“Isinugod du’n si Bebang… Nanganak na kaninang madaling-araw, e…”

At ganito ang nasagap kwento ni Edna sa tsismosang kusinera patungkol sa pa-nganganak ng yaya-kasambahay sa ospital:

“Lumobo nang lumobo ang tiyan ni Bebang sa pagbubuntis na parang nakalunok ng dalawang malalaking pakwan. Kagampanan nga niya kagabi kaya isinugod sa ospital nina Ate Shane at Kuya Karl. Patay na raw ang sanggol nang mailuwal. Pero alam mo ba kung ano’ng itsura nu’ng siyam na buwan na dinala sa sinapupunan ni Bebang? Diyuskupuuu! Lunung-luno raw na mistulang gelatin na umagas sa kanyang pwerta!”

Na-shock si Edna.

Naidaldal na rin sa kanya ng kusinera na pauuwiin na raw nina Karl at Shane sa probinsiya ang yaya-kasambahay paglabas nito ng pagamutan.

“Balik ka na lang po bukas, Miss Edna…” payo sa kanya ng kusinera.

“E, si Tony Boy?” pangungumusta niya sa batang tinuturuan. (Itutuloy)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …