PAGKATAPOS na makamit ang Grand Slam noong huling PBA season, unti-unting nararamdaman ng Purefoods Star Hotdog ang kahirapang makipagsabayan sa kompetisyon.
Ito’y tahasang pag-aamin ni coach Tim Cone pagkatapos na matalo uli ang Hotshots, 87-80, kontra San Miguel Beer noong Linggo.
Dalawang sunod na pagkatalo na ang nalasap ng dating San Mig Coffee Mixers na naunang tinambakan ng Alaska, 93-73.
May pilay ang tatlong pambato ng Purefoods na sina James Yap, Marc Pingris at Ian Sangalang ngunit para kay Cone, mas mahalagang aral ang dapat matuto ng kanyang tropa.
Balik-aksyon si Pingris sa susunod na laro ng Purefoods kontra Globalport sa Biyernes habang sasalang sa check up si Yap para sa kanyang pilay.
(James Ty III)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
