Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, Pinay ang gustong mapangasawa

ni Roldan Castro

102814 daniel matsunaga
NABIBIGYAN ng malisya ang friendship nina Kris Aquino at Daniel Matsunaga. Madalas nga ay isinasama ni Kris si Daniel sa mga out of town coverage ng KrisTV.

“Yes, of course, of course! Kris is a blessing, you know. It’s a blessing for me, for my entire family. My mom loves her, my sister loves her. You know, it’s really nice. She has been so, so nice to me since the beginning, noong nag-guest ako roon sa ‘KrisTV’, ‘di ba?

“So talagang I’ll never forget, I will never forget such a great opportunity na ibinigay niya sa akin and I’m very thankful to Kris, you know. I have all the respect to Kris and the entire family, you know, I’m really, really thankful,”  deklara ni Daniel na bagong commercial model ng San Marino  Tuna Flakes na may dalawang variants- in oil at hot & spicy.

Si Kris daw nang tanungin kung bakit hindi nauuwi sa malalim na relasyon ang lahat lalo’t pareho naman silang single. Si God  na raw ang bahala kung kailan  darating ang tamang lalaki sa kanya.

Likas na mabait si Daniel dahil wala rin siyang bitterness sa ex-girlfriend na si Heart Evangelista. Kung bibigyan daw siya ng imbitasyon, dadalo siya sa kasal nito with Senator Chiz Escudero.

Open din si Daniel na sana ay Filipina ang mapangasawa niya. Iba raw kasi ang ugali ng Pinay, makapamilya, mabait, maganda, maka-Diyos, malambing, at matalino. Nananatili pa rin ang pusong Pinoy ni Daniel.

Samantala, maraming Pinay ang nagpapatansya kay Daniel dahil sa TVC niya sa San Marino Tuna Flakes. Makikita kasi si Daniel sa iba’t ibang extreme outdoor activities. Hilig daw niya ang ganitong sports activities kaya na-enjoy niya na gawin ang ganitong commercial.

Sabi pa ng health conscious celebrity, “Yes, I’m very much into sports. I play a lot of football. Everyday we have training. I do work-out two to three hours a day. Kapag may time, wake boarding at ipa pang outdoor sports. Hindi kasi puwede sa loob ng gym,” sambit pa niya.

Bukod dito, kasama palagi ang San Marino products sa healthy food choices niya. Gusto rin niya protein content ng San Marino Tuna Flakes, na kailangang niya para sa pagme-maintain ng kanyang hunk body.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …