Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, posibleng masapak si Arjo sakaling may anak

102814 sylvia arjo

00 fact sheet reggeeTAWA kami ng tawa sa mga sagot ni Sylvia Sanchez nang tanungin namin kung isang araw ay may kumatok sa bahay nila at magpakilalang anak siya ni Arjo Atayde.

Ito kasi ang trending topic ngayon, ang pagkakaroon daw ng anak ni John Lloyd Cruz sa pagkabinata na kaagad namang pinabulaanan ng aktor dahil imposible raw mangyari.

Ayon sa nanay ni Arjo, “siyempre magugulat, pero tatanggapin ko, pero sasapakin ko si Arjo kasi bakit hindi niya sinabi sa akin?”

“Pero imposible kasi wala ngang sex ‘yan, busy sa taping ng ‘Pure Love’ kasi araw-araw na sila, malapit na rin kasing matapos. Hanggang banyo-banyo lang ‘yan si Arjo,” tumatawang sabi sa amin sa kabilang linya.

Kaloka ang nanay ng aktor, ibinuking kung paano siya naglalabas ng sama ng loob niya.

Malaki ang tiwala ni Ibyang sa anak dahil nga close sa kanya si Arjo at higit sa lahat, dalawang taon na raw walang karelasyon ang binata.

Imposible rin daw nakabuo ito ‘pag nalalasing dahil hindi naman umiinom si Arjo kapag lumalabas.

Kinulit pa rin namin ang aktres, paano nga kung may kumatok, “madali ako kausap, ipapa-DNA ko kaagad at siguraduhin lang ni Arjo na Tisoy o Tisay ang anak niya dahil buong pamilya ay Tisay, pati mga pinsan niya both sides dahil kung hindi, eh, malabo talaga.”

Eh, kung maitim ang bata, “ha, ha, ha basta ipapa-DNA ko at kung apo ko nga siya talaga, eh, ‘di maganda, parati ko siyang kakantahan ng ‘alin-alin ang naiba, ha, ha, ha;,” tumatawang sabi ulit ng aktres.

Pero tiyak magiging paborito ito ni Ibyang dahil naiiba nga, ha, ha, ha.

Pero may kahilingan ang nanay ni Arjo, “sana huwag munang mag-anak si Arjo, magpakayaman muna siya, mag-ipon siya, mag-invest siya, magtayo siya ng sarili niyang negosyo para kung maisip niyang mag-pamilya, eh, kaya niyang tumayo sa sariling paa. Ngayon kasi wala pa, naghuhulog palang siya ng nabili niyang condo para may investment.

“Ang ginagawa ko kasi, lahat ng kita niya, naka-banko kasi si Arjo, hindi niya kinukuha ang kita niya sa ‘Pure Love’ o maski sa ibang shows niya, humihingi lang ‘yan ng allowance every week, pang-gasolina at pambili ng pagkain, ‘yun lang.

“Kaya the rest (kita), naka-banko at pambayad nga sa condo niya. Para at least kapag nagtanong siya saan napunta pera niya, eh, may ipakikita ako.”

Sobrang tuwa naman ni Sylvia dahil maraming pumupuri kay Arjo sa magandang performance nito sa Pure Love, “mana talaga sa akin, ha, ha, ha, ha. Sana nga magkaroon din kami ng movie project together, ‘yun ang pangarap ko.

“Natupad na sa serye, ‘di ba, itong ‘Pure Love’, mag-ina kami rito, so movie naman sana sa susunod,” pahayag ng aktres.

Speaking of Pure Love, nakuha na ni Diane ang ikalawang pure love tear niya na galing sa kaibigang si Jacky at isa na lang para muli siyang mabuhay.

Tatlong linggo na lang ang Pure Love kaya mas maraming revelations pa ang mapapanood sa mga karakter nina Diane (Alex Gonzaga), Jacky (Anna Luna), Ysabel (Yen Santos), Raymond (Arjo), Scheduler (Matt Evans), Kayla (Yam Concepcion), at Dave (Joseph Marco).

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …