Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matitinding lovescene ni Anne sa Blood Ransom, pinanood ni Erwan

102814 Anne erwan

00 SHOWBIZ ms mHINDI naging hadlang ang malayong lugar na Newport Performing Arts ng Resorts World para hindi dagsain ng fans, mga kaibigan at kasamahan sa industry ang premiere night ng Blood Ransom ni Anne Curtis.

Star-studded nga ang premiere night ng Blood Ransom na bukod sa pamilya ni Anne na sina Jasmine at James Ernest Curtis-Smith (tatay niya), dumating din ang mga kaibigan niyang sina Solenn Heussaff at Isabelle Daza gayundin ang mga kasamahan sa It’s Showtime na sina Vhong Navarro, Billy Crawford, Coleen Garcia, at Ryan Bang.

Dumating din daw si Karen Davila gayundin si James Reid.

At siyempre, naroon din ang BF ni Anne na talaga namang bonggang suporta ang ibinigay sa kanya, si Erwan Heussaff.

Naroon din ang leading man ni Anne na si Alexander Dreymon at ang direktor ng pelikula nila na si Francis dela Torre.

Hindi namin nasimulan ang movie pero sinabi sa amin ng ibang entertainment press na nauna sa venue na nagbigay daw ng mensahe si Erwan para sa kanyang GF. Naging usap-usapan nga ang pagbibigay- mensahe ni Erwan, since hindi naman daw iyon ginagawa nito. Sobrang proud daw si Erwan sa movie ni Anne.

Sa Blood Ransom, nakabibigla ang matitinding love scenes ni Anne with Alexander at hindi lamang iyon isa, kundi dalawa o tatlo pa yata. Ito ang naikuwento ni Anne noon sa presscon ng Hollywood movie niya na kakaibang Anne ang mapapanood sa pelikulang ito. Ano kaya ang naging reaksiyon ni Erwan nang mapanood ang mga love scene ni Anne?

Isang ‘matapang’ na Anne na ang aming nakita sa pelikula. Hindi na siya iyong pa-sweety-sweety at talagang nag-matured na nga siya.

Showing na ang Blood Ransom sa ‘Pinas ngayong Oct. 29 produced by Tectonic Films at distributed naman ng Viva Films. Sa Oct. 31 naman ipapalabas sa U.S.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …