Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diana Zubiri, marunong sa buhay at business minded

HINDI lamang magaling na aktres si Diana Zubiri, kundi marunong din siya sa buhay.

In fact, pati ang kahalagahan ng edukasyon ay alam niya kaya pinagsabay niya ang pag-aaral at ang kanyang showbiz career. Graduate si Diana sa Miriam College ng kursong Theater Arts.

Bukod sa nakapagtapos ng kolehiyo, may naipundar na rin siya sa buhay at may business pa. Ang dating Seiko Films star ay may dalawang bahay sa mga kilalang subdivision sa Manila at naipatayo rin niya ng tirahan ang kanyang pamilya sa probinsiya. May sarili rin siyang negosyo, ang Be Amazing Clothing na talaga namang nakakabilib ang ganda ng designs at quality ng mga jogging pants, jackets, sando, leggings, shorts, sports bra, harem pants, at iba pa.

Sa mga gustong bumili, i-text lamang o tawagan ang numerong 09081827140. Puwede ring bisitahin ang kanilang page sa Facebook, i-type lang ang Be Amazing upang makita ito.

Anyway, nang makahuntahan ko ang manager niya na si katotong Jojo Gabinete sa storycon ng pelikulang Daluyong (Storm Surge) ng BG Productions ni Ms. Baby Go, nalaman naming mas magiging active na rin si Diana sa showbiz.

Pagkatapos ng paglabas sa teleserye ng ABS CBN na Bukas na Lang Kita Mamahalin na pinagbidahan ni Gerald Anderson ay napapanood ngayon si Diana sa sitcom na Home Sweetie Home nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

Bukod sa TV show, may pelikula rin ang aktres. Siya ang leading lady ni Allen Dizon sa Daluyong. Sensitibo at kontrobersiyal ang tema ng pelikula dahil ukol ito sa paring nakabuntis. Si Diana ang gaganap na nabuntisang karelasyon ng pari.

Ito ay pamamahalaan ni Direk Mel Chionglo at mula sa panulat ni Ricky Lee. Makakassama rito nina Allen at Diana sina Eddie Garcia, Tirso Cruz III, Ricky Davao, at Chanda Romero.

Atak Arana, bilib kina Vice Ganda at Direk Wenn

MADALAS mapanood ang komedyanteng si Atak Arana sa mga pelikula ni Direk Wenn V. Deramas tulad ng Vice Ganda starrer na Petrang Kabayo at Girl Boy Bakla Tomboy. Bukod sa paglabas sa pelikula, si Atak ay kilala rin bilang stand-up comedian sa mga comedy bar tulad ng Zirkoh at Klownz.

Ngayon ay kasali ulit siya sa dalawang pelikula ng Blockbuster Direktor na si Direk Wenn, ang Moron 5.2 at ang part-2 din ng Praybeyt Benjamin ni Vice.

Ano’ng masasabi niya kina Vice at Direk Wenn na madalas niyang makatrabaho?

“Si Vice, nagkasama kami dati noong nasa Punchline at Laffline pa ako. Masaya siya katrabaho, dapat mabilis ka rin kapag kasama siya, ang bilis kasi ng utak niya.

“Si Direk Wenn naman, for me anointed direktor siya. Napakahusay at mabilis magtrabaho at talagang matututo ka sa kanya. Sobrang mag-e-enjoy ka sa set kay Direk Wenn.”

Ipinagmalaki rin ni Atak ang dalawang pelikula nila. “Showing na po ang Moron 5 part- 2 ngayong Nov. 5 at ang Praybeyt Benjamin ni Vice, sa December 25 naman sa MMFF.

“Ang masasabi ko lang sa Moron 5.2, pinag-isipan ito lalo ni Direk Wenn para maging mas masaya kaysa sa part-1. Lahat na cast dito may kanya-kanyang moment, pero short role lang ako rito. Ang Praybeyt Benjamin naman, siyempre hindi papayag si Direk Wenn na hindi ito maging super-mega blockbuster. Challenging din ang role ko rito,” wika pa niya.

Idinagdag pa ni Atak na bilang komedyante at entertainer, malaking kaligayahan sa kanyang part kapag napapasaya niya ang mga manonood. Kaya todo-bigay talaga siya sa bawat performance na ginagawa.

Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …