Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian at Direk Louie, nag-away?

TOTOO ba na nag-away                 sina Marian Rivera at Direk Louie Ignacio kaya hindi na siya ang nagdirehe ng season 2 ng Marian?

“Marami nga akong naririnig na ganyan, hindi totoo. Kasi noong una sinekreto nila na  may second season. Ganoon naman sa TV, ‘di ba, o, ‘wag kayong maingay baka mag-second season. Eh, ‘yung buhay ko nakaplano for one season. Miss World Philippines kasi ‘yung second season,” paliwanag ni Direk Louie.

Di ba ‘yung Miss World, one time big time lang?

“No, mahaba ang preparation. Tumatapat sa swimsuit competition, all VTR’s, Caramoan, Bicol. Ako nagdirehe lahat niyon,” paliwanag pa niya.

“So, tumatama talaga ‘yung weekends. Puno ang schedule ko. Ipinakita ko rin ‘yung calendar ko. Even  si Marian, ang alam niya first season , tapos kasi nga ikakasal  siya, may soap opera siya,” sey pa niya nang makatsikahan namin sa story conference ng bago niyang pelikula na Child House under BG Productions.

Valid naman daw ang reason kaya hindi raw nagtampo si Marian.

Actually, nagte-texsan pa raw sila habang nagja-judge si Marian sa Miss World na ‘wag text ng text dahil naka-close-up siya.

Hindi ba nanghinayang si Direk?

“Nakakapanghinayang pero naka-commit ako sa Miss World. At saka next week, baka mag-shoot na kami ng ‘Child House’.

Pero twice a month lang ang taping ng Marian, parang may something?

“Wala. Promise . Sa wedding nga niya, wala ako,” bulalas pa niya.

Aba, pati kasal ni Marian dine-deadma ni Direk Louie?

“No, nasa Dubai  ako , ‘yung Hologram concert  ni Julie Anne (San Jose). Kami ang magka-countdown ng Pinoy,” sey pa niya.

Samantala, naantig ang damdamin ni Direk Louie noong una niyang makita ang mga bata sa ‘Child Haus’ na itinatag ni icon at pilantropo na si Ricky Reyes. Ito ang temporary sheltered ng mga batang may kanser na mahihirap at taga-probinsiya na nagpapagamot dito sa Maynila.

“Importante ang puso sa pelikula pero hindi tipong ‘manipulative’ at exploitative’ ang pagpapakita sa kanilang sitwasyon. Ang atake na gagawin namin hindi sila iyakan dito ng iyakan o nagda-drama pero ang mga manonood ay iiyak sa mapusong kuwento ng movie.

Mula sa panulat ng painter at Palanca awardee na si Socorro Villanueva. Pagsasamahan ito ng award winning child stars gaya nina Miggs Cuaderno, Therese Malvar, Vince Magbanua, Mona Louise Ray, Felixia Crysten Dizon na nagpakitang gilas sa pelikulang Magkakabaung/TheCoffin Maker at ang Ilongga child star na si Erika Yu. Bida rin sa pelikula ang mga gaganap na magulang nila na sina Nadine Samote, Katrina Halili, Sheena Halili, Dion Ignacio,Pekto at marami pang iba.

 

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …