Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kakampi ba ni Binay si Erap?

MUKHANG matindi ang payo ni Manila Mayor Erap Estrada kay Vice President Jojo Binay.

Mantakin n’yo, payuhan ba naman ni Erap si Binay na huwag humarap sa imbestigasyon ng Senado dahil magigisa lamang daw lalo ang pangalawang pangulo.

Sa ating pagtatasa, malinaw na kaya bumaba ang rating ni Binay sa tao dahil ayaw niyang ipagtanggol ang kanyang sarili sa imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee ng Senado at iyan ang ipinakita sa ginawang survey ng SWS na walo (8) sa sampung (10) Pinoy ang gustong harapin ni Binay ang mga nag-aakusa sa kanyang senador na kinabibilangan nina Antonio Trillanes, Alan Cayetano at Koko Pimentel.

Malinaw ang gusto ng taumbayan at iyan ang dapat sundin ni Binay, nararapat niyang harapin ang kanyang mga dating bataan sa Makati na ngayon ay mistulang wala siyang naitulong na mabuti kagaya nina dating vice mayor Nestor Marcado at Atty. Renato Bondal.

Nagdududa rin ang madla kay Erap dahil kung aanalisahin ang kanyang payo kay Binay na huwag humarap sa Senado ay mas makasisira ito sa karerang politikal ng pangalawang pangulo dahil malinaw na ang sinasabi ng taumbayan.

Labis tuloy ang malisya sa isip ng publiko sa ginagawang pagpapayo ni Erap dahil hindi mamatay-matay ang sunog tungkol sa pagtakbo niya sa 2016 bilang pangulong muli ng bansa.

Alam ni Erap ang timing at ito ang kanyang ginagawa sa kasalukuyan dahil ang pagkasirang lalo ni Binay sa tao ay siyang simula naman ng kanyang tiyansang muli na makabalik sa Malakanyang.

Kagatan na ang usapan sa ngayon at diyan dapat maging mapanuri si Binay dahil ang maliit niyang pagkakamali sa kasalukuyan ay posibleng magbaon lalo sa kanya sa kumunoy ng pinakaaasam niyang pangarap.

Tiyak na darami pa ang mapagpanggap sa ngayon kaya’t dapat maging mapanuri ang pangalawang pangulo dahil posibleng ang mga kasama niya araw-araw ay sumakabilang bakod na para sa pera.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …