Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Street sweeper utas sa kinuhang kanin at ulam

DAHIL sa kanin at ulam, napatay ng isang 40-anyos park attendant ang isang 53-anyos street sweeper sa Luneta Park, Ermita, Maynila kamakalawa ng gabi.

Sumuko sa Manila Police District Station 5 ang suspek na si Eduardo de los Reyes, Jr., alyas Dayo, tubong Western Samar.

Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Lorna Faedacan.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Jose Milbert Balinggan, naganap ang insidente dakong 9 p.m. sa harap ng Manila Hotel sa Phase 2 ng Luneta Park.

“Noong isang gabi pa siya, kumuha siya ng kanin at ulam sa tindahan ni Ate Cristy, hindi siya nagpaalam sa akin, ako ang nagbabantay doon, kagabi nakainom na ako, minura na naman niya ako at sinabi pa niya na ipabubugbog daw niya ako sa kasama niya, lumiit na ang aking pasensiya,” salaysay ng suspek sa pulisya.

Ayon sa suspek, nagdilim ang kanyang paningin kaya dumampot siya ng kutsilyo at tatlong beses na inundayan ng saksak sa tiyan ang biktima.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …