NDI na papayagang makapasok ang mga pribadong sasakyan sa Manila North Cemetery simula Oktubre 30, 2014 bilang paghahanda sa Undas.
Sinabi ni Daniel Tan, officer-in-charge ng sementeryo, wala pa ring nababago sa dati nang panuntunan na bawal ang pagdadala ng ano mang sandata, matutulis na bagay, ano mang uri ng sound system, at baraha.
Higit 500 tauhan mula Manila Police District ang ipakakalat sa loob at palibot ng sementeryo. Tutulong din sa seguridad ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau, Metro Manila Development Authority (MMDA), at ilang civilian volunteers.
Samantala, ipinagmalaki ni Tan ang mga bagong gawang palikuran sa Manila North Cemetery kaya hindi na magtatayo ng mga portalet sa loob.
Pwede rin aniyang i-access ng publiko ang kanilang website para sa paghahanap ng puntod ng kanilang kamag-anak sa sementeryo.