Saturday , November 23 2024

Mag-utol, 1 pa nasakote sa carnapping, P.5-M RTWs nakaw

TATLO katao ang nadakip kabilang ang magkapatid na sinasabing sangkot sa karnaping at pagbili ng nakaw na RTW items na nagkakahalaga ng kalahating milyon kamakalawa sa Parañaque City.

Si Donna Gamad-Peralta at kapatid niyang si Warlito Gamad, ng Brgy. Bugtong, Lipa City, at Ronald Escultor, 31, ng Palanyag, Brgy. San Dionisio, ay nasa kustodiya na ng Parañaque Police.

Sa ulat na natanggap ni Parañaque City Police chief, Sr. Supt. Ariel Andrade, naaresto ang magkapatid na Donna at Warlito dakong 8:20 p.m. ng kanyang mga tauhan sa tulong ng mga kagawad ng Southern Police District (SPD) sa isang follow-up operation sa Lipa City, Batangas

Narekober sa lugar ang isang ten wheeler Isuzu truck (UVL-154) na pag-aari ng chairman ng Brgy. San Miguel, Santo Tomas, Batangas na nangngangalang Jerome Manzanilla, at naglalaman ng RTW items.

Nauna rito, sinabi ng ginang (Donna) na namili sila ng assorted RTW items kasama ang nakababata niyang kapatid na si Sheila alias Edith, na nagkakahalaga umano ng P500,000, nakalagay sa da-lawang aluminum van.

Ngunit nang beripikahin ang produkto, walang maipakitang legal na dokumento si Donna, kaya naghinala ang mga pulis na mga nakaw ito.

Nadiin ang magkapatid na Donna  at Warlito nang kompirmahin ni James Limquaco na ang RTW items na nakompiska mula sa mga suspek ay pag-aari niya at nawala ang mga ito (138 sacks) habang nakatago sa pag-aari niyang  AMES Warehouse sa 515 Quirino Avenue, Brgy.Tambo, Parañaque City.

Sa patuloy na follow-up operation ng mga awtoridad naaresto si Escultor nang positibong ituro ni Limquaco na siyang tumutok sa kanya ng baril at tumangay ng kanyang Hi-Ace van.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1612, Anti-Fencing Law ang magkapatid na Donna at Warlito habang si Escultor ay sinampahan ng kasong robbery at caranapping sa Parañaque City Prosecutor’s Office.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *