Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Masamang ugali ni aktres, naka-tattoo na

SAD naman kami sa isang aktres na feel namin ang kanyang pagbabago for the better ‘ika nga pero parang naka-tatoo as in, hindi mabura-bura ang dating pag-uugaling palengkera at astig.

Personally, gusto na namin siya kasi ramdam namin ang pag-e-effort na magbago ng imahe tulad ngayon, smiling as ever at kung minsan, wagas kung tumawa pero bakit may mga ayaw pa rin sa kanya.

Tulad noong isang hapon, nagkasabay kami sa isang lugar. Naroon kami sa isang resto para sa isang interbyu sa isang singer at sinabihan kami ng waiter na may sikat na artista sa kabilang resto. Nataon naman na nag-call of nature kami at nadaanan namin ang aktres kasama ang kanyang syota na kumakain. Hanggang kawayan at ngitian lang kami dahil nagmamadali ako pero bago ako makapasok sa CR, may grupo ng mga kababaihan sa isang sulok kaya nasabi namin sa kanila na may isang aktres na kumakain sa resto. “Pagkakataon na ninyo na makita siya in person at magpa-picture,” sabi namin sa kanila pero biglang naglitanya ang isa, “Ayaw namin sa kanya, masama ang ugali niyan. Inisnab kami niyan noong nagpunta kami sa taping niya. Isnabera ‘yan, Maganda nga pero ang ugali niya ay pangit!” Tsk, tsk tsk … grabe!

Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …