Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gawing makulay ang mundo — Mother Ricky Reyes

MAGKAKASUNOD na bagyo ang ating dinanas.

Natural at normal lang na makatagpo tayo ng mga bagay na magbibigay-ligaya at kulay sa ating mundo.

Tutok lang sa programang Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) para malaman kung ano-anong bagay ang dapat gawin para magliwanag ang ating mundo.

Unang ipakikita ni Mader ang iba-ibang kulay na maaaring i-apply sa buhok para maiba ang ating kaanyuan. Berde, asul, pula, pink o orange at maaari ring paghaluin ang mga ito, sabihin mo lang at ito ang gagawin sa buhok mo ng mga parlorista sa Gandang Ricky Reyes Salon. Tiyak na mangingiti ka na isang bagong ikaw ang tatambad sa ’yong mga mata ‘pag tumingin ka sa salamin.

Problema rin ang mga sakit sa balat lalo’t papalit-palit ang panahon. Dadalhin tayo ng GRR TNT staff sa iba-ibang klinika na nagbibigay-lunas sa mga singaw, sugat at iba pang pangangati ng katawan. Siyempre, masarap rumampa kapag ika’y nag-aangkin ng makinis o flawless na balat.

Para sa nakasasawang buhay, ipapayo ni Mader ang pagbabakasyon sa labas ng siyudad na akma sa bonding kasama ng pamilya at mga kaibigan. Isa sa mga dinarayo’y ang The Lake Hotel Tagaytay na masarap ang klima, puro berde ang kapaligiran at masasarap ang mga pagkain, sariwang gulay at prutas, pati na bakang-Batangas.

Kung trip ninyo ang isang oras ng makulay at napapanahong isyu, samahan si Mader RR tuwing Sabado, 9:00-10:00 a.m. sa GRR TNT na prodyus ng ScriptoVision.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …