Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpapakasal this year ni Marian, suwerte o malas?

SOMETHING old, something new…

Rat month ang Disyembre sa taong ito. At may ilang animal signs na conflict sa activities na gagawin nila sa nasabing buwan gaya ng Sheep na siyang animal sign ng lalagay sa tahimik na si Marian Rivera.

Pero ayon sa Feng Shui Master na si Marites Allen, marami namang mga pangontrang pwedeng gawin lalo pa at nakatakda na ang lahat. Natanong ang feng shui guru nang ilunsad nito ang bagong line ng Frigga clothing sa media at pag-a-announce na rin ng yearly updates na gaganapin sa Luxent Hotel sa December 27, 2014.

Isa lang naman ang sikat na feng shui guru sa malaki ang paghanga sa aktres na si Marian. Kaya nang tanungin siya tungkol sa araw ng kasal nito this year sa buwan ng Kapaskuhan, ibinigay lang niya ang general reading sa taong isinilang ito.

Nasisimulan kasi ng intriga ang pagsagot lang naman nito sa itinanong sa kanya bilang may kaalaman sa animal signs in general. At inunahan na nga niya ito na ang lahat ay nasa may katawan pa rin. Kung iiwas sa mga kamalasan, ang tao pa rin naman daw ang magdedesisyon kung paano niya gagawin ito at ia-apply sa buhay niya.

Pinalabas kasi ng iba na parang gusto ng feng shui master na palitan ng mga ikakasal ang araw ng pag-iisandibdib ni Marian with Dingdong Dantes. Naturalnang sumagot ang kanilag panig, may pagka-nega na ang dating.

‘Wag na magpa-away-away!

Masaya ang buhay.

Sabi nga ni Ms. Allen, marami sa mga ikinakasal ang may paniwala pa rin sa ‘something old, something new, something borrowed, something blue!’

Ay! ‘Di naman ako nag-traje de boda eh!

Kylie, ‘di muna puwedeng ma-in-love agad

Something in the way she moves…

Oo! Gaya niyong sabi ng karugtong ng mga linyang ito. ‘Attracts me like no other lover…’

Akma para sa ayaw na maging shooting friends lang na sina Rayver Cruz at Kylie Padilla.

Kaya nga hindi na-confine lang sa set ng ginawa nilang pelikula ang pagba-bonding ng dalawang mukhang lalawig ay lalalim pa ang closeness. Lalo pa at mismong ama na ni Kylie na si Robin ang nagpauna na sa pagsasabing mabait si Rayver.

Ready naman daw uli na ma-in love si Kylie after na matapos ang kabanata ng pagmamahalan nila ni Aljur (Abrenica) pero naroon pa rin ang pagpapaalala ng ama na huwag muna.

Kahit na sabihing maraming talento pang kayang ipamalas si Kylie, her eyes are focused in being a great actress!

KC at Paulo, happy sa pagiging mag-bestfriend Something’s a-brewing! 

Ano pa nga raw ba ang magiging reaksiyon sa nabalitaang pagbabantay at pag-aalaga ni Paulo Avelino kay KC Concepcion gabi-gabi sa ospital nang maratay ang huli dahil sa dengue?

If that isn’t love, we don’t know what it is.

Maski sila na ang nagsasabi na friend-zoned sila these days at naka-focus lang sa pagiging very very close nila, at nasa super best friend status na muna ni KC si Paulo, marami ang nag-iisip na talagang kinikilala lang nilang mabuti ang isa’t isa.

Wala nga kasi sila on the same page ng libro ng buhay nila bilang isang ama na si Paulo.

“Whatever we have now, we’re happy that way.”

Wouldn’t you agree? Rito makare-relate most of us. Na may naggi-gitara at kumakanta pa sa ‘yo sa kama . Haist! Throwback si Lola!

If that isn’t, ‘di ko na talaga alam. Kilig lang for them!

At lalo pang kiligin sa mga huling eksena ni KC as Natalia sa  Ikaw Lamang who has found challenging roles sa pag-aalaga sa kanya ng Dreamscape ni Deo Endrinal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …