Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ellen, inaming peke at ipina-enchance ang boobs

We discovered how palaban and very honest Ellen Adarna is

Nakaaaliw na interbyuhin itong si Ellen kasi wala siyang inuurungang tanong.

Sa kanyang launching as Ginebra San Miguel’s Calendar Girl for 2015 ay marami ang naloka sa prangkang sagot ni Ellen sa mga tanong.

Nang matanong siya kung hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang calendar girl offer dahil papalitan niya si Marian Rivera at kung may pressure ba na mahigitan ang dyowa ni Dingdong Dantes, isang maikling “agad-agad” ang sagot ng dalaga.

“How can I say no, pero nakaka-pressure. Lagpasan si Marian is malabong-malabo ‘yan.  I can’t (surpass her).  All I can say is I prepared for the shoot, nag-diet ako, nag-exercise,” esplika niya.

Ito na ang nakakaloka. Ellen was asked kung myroon ba siyang ipinaretoke para lumabas na mas maganda at mas sexy sa pictorial niya for Ginebra San Miguel 2015 calendar.

“Ipina-enhance? Wala na.  My boobs are enhanced. My boobs are fake, right. For the shoot wala na akong ipina-enhance,” say ni Ellen na ikinaloka ng maraming press.

Hanggang saan ba ang pagpapaseksi niya? Kaya ba niya ang frontal nudity?

“If it requires sa role I will do it. Actually dito lang naman sa Pilipinas ano ‘yung mga tao. ‘Ay, naghubad siya,’ parang ganoon. In Hollywood they don’t do that, it’s part of their craft. If it makes me a better actor, then why not?”

When asked kung mayroon siyang pinapantasyang male celebrity, ang dyowa ni Angelica Panganiban ang sinabi ni Ellen.

“Siguro makapartner, si John Lloyd Cruz  kasi magaling siya. Pinagpapantasyahan wala kasi may boyfriend ako.”

Why John Lloyd? ”Si John Lloyd kasi hindi ko naman type ‘yung lalaking ma-abs, maskulado kind of guy.”

Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …