Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dalia Pastor no show sa prelim prob sa Enzo killing

NAGKAHARAP sa preliminary investigation kahapon sa Department of Justice ang kampo ng pamilya ng pinaslang na international car racing champion na si Enzo Pastor at ang kampo ng tinaguriang mastermind sa pagpatay na si Dominggo “Sandy” De Guzman III.

Ngunit hindi pa rin nagpapakita ang biyuda ni Enzo na si Dalia Pastor na suspek din sa krimen at hindi rin nagsumite ng kanyang counter affidavit.

Ayon sa abogado, hindi na kailangang magsumite pa si Dalia dahil hindi niya kailangang dumipensa.

Samantala, tulad ng inaasahan, todo-tanggi sa krimen ang negosyanteng si De Guzman.

Iginiit niyang set-up lamang ang pagkaka-aresto sa kanya at ang mga ibinintang sa kanya ng gunman na si PO2 Edgar Angel ay imahinasyon lamang ng pulisya.

Binigyang diin din ni De Guzman na ang alegasyong may relasyon sila ni Dalia ay hindi rin maaaring patunay na may sabwatan sa krimen.

Hunyo ng taon kasalukuyan nang pagbabarilin ng riding in tandem si Pastor sa bahagi ng Quezon City habang nagmamaneho ng truck lulan ang kanyang racing car.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …