Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja, muling itatambal kay Jericho Rosales

NAKATSIKAHAN namin si Maja Salvador sa Araneta Coliseum kamakailan habang nanonood ito ng laro ng Globalport at NLEX sa PBA.

Sa aming pakikipag-uusap, sinabi niyang nagsimula na siyang mag-taping ng kanyang bagong teleserye sa ABS-CBN na muli niyang makakasama si Jericho Rosales.

Unang nagkatambal sina Maja at Jericho sa The Legal Wife. Ayaw munang magbigay ng ibang mga detalye si Maja tungkol sa bago niyang proyekto ngunit isang source ang nagsabing Bridges ang working title ng show.

Habang hindi pa ipinalalabas ang bagong show ni Maja ay kakanta at sasayaw muna siya sa ASAP 19 tuwing Linggo ng tanghali. Katunayan, sinabi rin ni Maja na maganda ang pagtanggap ng mga kababayan nating Pinoy sa lahat ng mga Kapamilya star na nag-show sa Los Angeles para sa ASAP.

Ang Part 2 ng ASAP Live in LA ay mapapanood ngayong Linggo ng tanghali.

Busy din si Maja sa pag-promote ng kanyang album na Believe na kapapanalo lang sa Star Awards for Music.

James Ty III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …