SUGATAN ang isang 7-anyos batang lalaki nang mabaril ng kanyang 14-anyos binatil-yong kalaro sa Alaminos, Laguna kamakalawa.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, naglalaro ang biktima sa bahay ng 14-anyos suspek nang aksidente niyang mabaril ang paslit gamit ang ka-libre 22.
Nilalapatan ng lunas ang biktima sa isang ospital sa San Pablo City habang nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang suspek. (HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com