Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Titser dinukot

SAMANTALA, isang guro ang hinihinalang dinukot ng hindi nakilalang kalalakihan habang nagpapahinga sa kanyang bahay sa City San Jose del Monte, Bulacan.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Senior Supt. Ferdinand Divina, Bulacan police director, kinilala ang biktimang si Manolito Matusalem, 35, residente ng Evergreen Subdivision, Brgy. Gaya-Gaya sa naturang lungsod.

Batay sa ulat, dalawang kalalakihan na armado ng matatalas na patalim ang biglang dumating sa bahay ni Matusalem.

Isa sa kanilang ang pwersahang pumasok sa loob habang ang isa ay nagsilbing look-out.

Nabatid na habang nakatutok ang patalim ay kinaladkad ng mga suspek ang guro sa isang naghihintay na tricycle at pinaharurot ang sasak-yan sa hindi pa malamang direksiyon.

Ilang minuto maka-raan ang sinasabing pagdukot sa guro ay ipinagbigay-alam ito ng ilang residente sa himpilan ng pulisya sa naturang lungsod.

Agad ipinag-utos ni Divina sa CSJDM police na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa insidente para makilala ang mga dumukot sa biktima.

Micka Bautista

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …