Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kylie, madalas pagalitan ni Robin dahil pasaway?

“W OW, have fun, maraming nakahubad (girls) doon,” ito ang panunuksong sabi ni Kylie Padilla sa leading man niyang si Rayver Cruz nang makatsikahan namin ang dalawa sa grand presscon ng Dilim noong Biyernes ng gabi sa Imperial Palace, Morato, Quezon City.

Sabay dagdag ni Kylie, “kasi surfing country siya at sobrang laid-back ng mga tao.”

Nabanggit kasi ni Rayver noong gabi na patungo siya ng Australia para sa series of shows kasama ang ibang Kapamilya actors para sa TFC.

Natawa naman ang aktor sa sinabi ng leading lady niya at sabay tanong kung ano ang gustong pasalubong ni Kylie, “hmm, kangaroo!”

Natawang sagot ng binata, “hmm, bahala na, hanap ako roon, bahala na kung ano, hindi naman mahirap pasalubungan ‘to (sabay tingin kay Kylie).  Hindi naman siya mahirap pasayahin.”

Samantala, tinanong si Kylie katabi ang leading man sa pahayag ng papa Robin Padilla niya na kung puwede ay huwag muna siyang magbo-boyfriend at asikasuhin muna ang career at higit sa lahat, Muslim din dapat ang maging karelasyon ng dalaga.

Katwiran naman ng aktres, “kung si papa po ang papipiliin, Muslim po talaga at pinakikinggan ko naman po lahat ng sinasabi ni papa, pero gagawin ko pa rin naman ‘yung gusto ko sa ngayon, at saka gusto kasi ni papa, walang boyfriend-boyfriend. Sa Muslim, eh, gusto asawa agad.  So, sa ngayon career muna para makaiwas muna sa sermon niya.”

Naalala namin ang kuwento rin ng kampo ni Robin, “parating napapagalitan nga ni Robin si Kylie, hindi naman pasaway si Kylie, napakabait na bata niyan, masunurin, siguro talagang sinasabi lang niya kung ano ang nasa loob niya. Very vocal ‘yan, hindi ‘yan showbiz.”

Sa kabilang banda, hindi nakarating si Rayver sa ginanap na premiere night ng Dilim sa Trinoma Cinema 7 noong Lunes ng gabi dahil nasa Australia siya.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …