Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jed, itinangging sinabihan n’ya ng ‘bunch of monkeys’ ang mga taga-CDO

101714 jed madela

00 fact sheet reggeePAALIS na kami ng Edsa Shangri-la Mall nang makatanggap kami ng text message, “watch mo ‘AA (Aquino & Abunda Tonight)’ mamaya, nag-deny si Jed (Madela) sa isinulat mong taga-CDO ang sinabihan niyang bunch of monkeys.”

Kami ang unang nagsulat tungkol sa isyung ito na lumabas dito sa Hataw noong Nobyembre 11 (Martes) base sa panayam namin kay Jed noong Lunes (Nobyembre 10) ng umaga sa cellphone na naka-tape.

Ayon sa isinulat namin na sabi ni Jed, ”na-misinterpret po ‘yung post ko, I was referring po sa staff ng Cagayan de Oro airport kasi we’re on our way to Manila at lahat nagmamadali, hindi maayos ang check in nila, sobrang higpit na hindi mo maintindihan. Nataon po kasi na nai-post ko ‘yan, nasa studio na ako.”

Ito ang katwiran ng singer dahil itinanggi niyang taga-ASAP ang sinabihan niya ng bunch of monkeys.

Base sa panayam ni Jed sa Aquino & Abunda Tonight ay mariin niyang itinanggi na hindi niya tinawag na bunch of monkeys ang mga taga-CDO, katunayan daw ay ang babait daw ng mga tagaroon dahil sa magandang response sa kanya nang mag-guest siya sa concert ni Lani Misalucha.

Ayon pa sa kanya, gawa-gawa lang daw ito ng taong may matinding galit sa kanya at nabanggit pa niya na ‘yung pagtawag niya ng bunch of monkeys ay referring to a certain person? Paano naging bunch of monkeys ang isang tao?

May pahabol pa si Jed bago matapos ang panayam niya sa AA, “let’s practice responsible journalism.”

Tinext namin ang singer pagkatapos naming mapanood, ‘gud pm Jed, noong nag-usap po tayo ay naka-tape po tayo na sinabi mo po na ang mga tao sa CDO airport ang tukoy mong bunch of monkeys dahil idinenay mo pang ‘ASAP’ staff.  Sana po ‘wag n’yo namang i-deny kasi naging maayos naman po ang usapan natin at kinuha ko ang side n’yo re the issue. I’m doing my job the best I can, I hope you do yours, too. Thank you very much.’

Sumagot naman kaagad si Jed, “hi Reggee.  The problem is that someone generalized everything saying that I was referring to the ‘people of CDO’. That is a whole new different thing. I never said that it was the people of CDO, I referred to some people I dealt with at the CDO airport.”

Sinabi namin na tungkol nga sa mga staff ng CDO airport ang isinulat namin at hindi ang buong taga-CDO, “it’s not your fault. I’m sure other writers are feasting on the issue and have twisted the facts.”

So, sino na naman kaya ang pinatatamaan ni Jed na iniiba ang istorya?

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …