Monday , December 23 2024

Bus sa NLEX ini-hostage ng vendor

102114 NLEXKAKASUHAN ng serious illegal detention at alarm and scandal ang isang tindero makaraan i-hostage ang isang pampasaherong bus kahapon ng umaga sa North Luzon Expressway (NLEx) sa Guiguinto, Bulacan.

Hawak ang isang patalim, ini-hostage ni Lauro Sanchez ang Everlasting bus sa Sta. Rita Toll Plaza ng NLEx.

Ayon sa isa sa mga pasahero, galing Tuguegarao, Cagayan ang bus patungong Cubao, Quezon City.

Aniya, sa Cauayan, Isabela sumakay si Sanchez na sinasabing nagtitinda ng shorts at taga-Balangon, Batangas.

Pagsapit ng toll plaza dakong 6:30 a.m. inilabas ng suspek ang patalim saka nagdeklara ng hostage. Hiniling niyang makausap ang media at humingi ng sasakyan at driver.

Sinasabing inirereklamo ng hostage taker ang ilang tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group na sinasabing nag-set-up sa kanya at pinagbintangan siyang magnanakaw.

Nagawang mapasok ng pulisya ang bus nang magpanggap na driver ang isa sa mga pulis. Nanlaban ang suspek kaya nasugatan niya ng patalim ang dalawang pulis. Tumagal nang mahigit dalawang oras ang hostage taking bago ganap na naaresto ang suspek at nailigtas ang lahat ng mga pasahero.

Micka Bautista

 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *