Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nang-agaw ng misis tinarakan ni mister

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang lalaki makaraan saksakin nang inagawan niya ng asawa, sa harap ng isang saklaan kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Patuloy na ginagamot sa Valenzuela City General Hospital ang biktimang kinilalang si Emilio Eugenio, 50, sakla caller, residente ng 107 E. Martin St., Brgy. Santolan ng nasabing lungsod.

Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Etoy Aguilar, nasa hustong gulang, residente ng San Diego St., ng nasabing barangay, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 9:30 p.m. nang maganap ang insidente sa tapat ng isang saklaan nang nakaburol na patay malapit sa bahay ng biktima.

Kabababa lamang ng biktima sa kanyang motorsiklo nang lumapit ang suspek at walang sabi-sabing pinagsasaksak si Eugenio.

Ayon sa ilang kapitbahay ng suspek, nagtanim ng sama ng loob si Aguilar makaraan iwanan siya ng kanyang asawa at tuluyan nang nakisama kay Eugenio.

 

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …