Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis napatay mister nagbigti

NAGA CITY – Pinatay muna ang kanyang kinakasama bago kinitil din ng isang padre de pamil-ya ang kanyang sarili sa Brgy. Siera, Lagonoy, Camarines Sur kamakalawa.

Kinilala ni PO3 Rolly Nebran ng PNP-Lagonoy ang biktimang si Sherlyn Malaguenio, 27, habang ang suspek ay si Rolly Baranda, 29-anyos.

Ayon kay Nebran, pinuntahan ng ina ni Baranda ang bahay ng mag-live-in na halos katabi lamang ng kanilang tirahan, upang gisingin ang dalawa dahil tanghali na.

Nang sumilip sa bintana si Natividad Baranda, nakita niya ang kanyang 6-anyos apo na nakatayo sa loob ng kanilang bahay.

Inutusan ni Natividad ang bata na lumabas dahil tanghali na.

Ngunit sumagot ang bata na hindi siya makalalabas dahil may dugo ang kanyang ina.

Bunsod nito, dali-daling pumasok ang matanda sa bahay ng dalawa at doon ay tumambad sa kanya ang nakabitin na katawan ni Baranda sa kusina at wala nang buhay.

Habang sa sala ay nakahandusay si Malagueno na duguan at may tama ng saksak sa katawan.

Sa pagsisiyasat sa lugar ng pinangyarihan, nakuha ng mga pulis ang isang cellphone na pag-aari ni Baranda at nakita ang naka-save na mensaheng humihingi ng tawad sa kanyang ina dahil nadisgrasya niya si Malagueno.
Paniwala ng pulisya, nag-away ang dalawa dahil sa selos ngunit aksidenteng napatay ni Baranda si Malagueno.
Nang malamang wala nang buhay ang kinakasama ay saka nagdesisyong kitilin ang sarili sa pamamagitan ng pagbibigti.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …